Militar sa Las Navas, napalayas
MATAGUMPAY NA napalayas ng mga residente ng Barangay San Miguel, Las Navas ang mga sundalo ng 20th IB noong Mayo 10. Higit isang taon nang nakakampo ang mga berdugo sa komunidad.
Kasunod ito ng organisadong pagbakwit ng mga residente at pakipagdayalogo sa lokal na gubyerno ng Las Navas, 20th IB at Department of Interior and Local Government noong Mayo 9.
Sa araw na iyun, 60 residente ang nagmartsa mula San Miguel patungo sa sentro ng Las Navas. Tinangka ng mga sundalo na pigilan ang mga residenteng magsasaka sa Barangay San Jorge at pinilit silang “maglagbuk” pero hindi nagpasindak ang mga magsasaka. Malisyosong iniuugnay ng 20th IB ang mga magsasaka na mga tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan para bigyan-katwiran ang iligal nilang okupasyon sa baryo at panggigipit sa mga residente.
Hinarang din ng mga sundalo ang pambansang fact-finding mission na inilunsad noong Mayo 20-22 ng Katungod Sinirangan Bisayas, Karapatan at Rural Missionaries of the Philippines.