Hundreds of coconut planters protested in front of the Philippine Coconut Authority in Legazpi City, Albay on August 20 to demand a dialogue, aid, increase in the farmgate prices of copra, and the immediate return of the coco levy fund. The protest coincided the 47th year of the Presidential Decree 27 which imposed the collection […]
Ipinanawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Setyembre 2 na ipatupad ang internasyunal na diplomatiko at ekonomikong mga pagsisikap para itulak ang gubyerno ng China na tupdin ang mga obligasyon nito sa umiiral na mga internasyunal na kasunduan at instrumento kaugnay sa South China Sea at galangin ang soberanya ng ibang mga bansa rito. […]
Tuluy-tuloy ang kampanya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) para sa kalusugan ng mamamayan habang hindi pa naaapula ang pandemyang Covid-19. Sa 17 baryo sa Samar, tulung-tulong ang hukbong bayan at mga organisasyong masa sa paghahanda sa posibleng pagkalat ng sakit sa kanilang mga baryo. Nagtakda sila ng mga protokol pangkalusugan kada baryo sakaling may mahawa […]
Sa paggunita sa itinuturing na pagsisimula ng armadong rebolusyon ng Katipunan noong 1896, kinilala ng mga rebolusyonaryo ang pag-aalay ng sarili at sakripisyo ng mga bayani at martir ng bagong demokratikong rebolusyon ng mamamayang Pilipino noong Agosto 31. Sila ang mga makabagong Katipunero na nagpatuloy sa hindi pa natatapos na pambansa-demokratikong rebolusyon. Mula Cordillera hanggang […]
Mahigit 500 aktibista at tagapagtaguyod ng karapatang-tao ang nagtipon sa Bantayog ng mga Bayani noong Agosto 31 bilang paggunita sa Araw ng Pambansang mga Bayani. Kinundena nila ang tuluy-tuloy na atake ng rehimen sa mga aktibista, kilalang kritiko ng gubyerno at mga kasapi ng oposisyon. Bitbit din nila ang panawagan para sa malalim at independyenteng […]
Naglunsad ng anim na magkakasunod na opensiba ang Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao Region (BHB-NCMR) laban sa focused military operation o FMO ng Armed Forces of the Philippines sa rehiyon noong Agosto. Hindi bababa sa 10 sundalo ang napatay sa mga opensiba, kabilang ang dalawang upisyal. Inatake ng BHB ang mga nag-ooperasyong sundalo sa Sityo […]
Tuwing Agosto 30, ginugunita sa buong mundo ang Pandaigdigang Araw ng Mga Desaparecido para alalahanin at ipaglaban ang hustisya para sa libu-libong biktima ng sapilitang pagdukot sa mga sibilyan at sikretong pagkulong at pagpatay sa kanila ng mga reaksyunaryong estado. Sa Pilipinas, kabilang sa mga biktima ito si Elena Tijamo, isang maggagawang pangkaunlaran sa Central […]
Napilitang lumikas ang 190 pamilyang Aeta tungong Barangay Aglao sa San Marcelino, Zambales noong Agosto 21 matapos bombahin ng militar gamit ang apat na helikopter ang kanilang komunidad sa Barangay Buhawen. Karamihan sa mga bakwit ay bata. Siyam na residente, kabilang ang apat na menor de edad, ang iligal na ikinulong ng mga sundalo ng […]
Pangalawang bahagi ng serye kaugnay sa tuluy-tuloy na pangungutang ng rehimeng Duterte. Basahin ang unang bahagi, “Malakihang pangungutang sa ngalan ng pandemya,” Ang Bayan, Agosto 21, 2020. Tinaya ng mga upisyal sa ekonomya ng rehimeng Duterte noong Agosto 26 na papalo na sa ₱10.16 trilyon ang kabuuang utang ng gubyerno sa katapusan ng 2020. Mas […]
Inilantad ng pandemyang Covid-19 ang kawalang-kakayahan ng Pilipinas para sa pananaliksik at pagmanupaktura ng mahahalagang gamot at bakuna. Sa pahayag mismo ng Department of Science and Technology noong Agosto, walang pasilidad ang Pilipinas para sa pananaliksik ng bakuna laban sa Covid-19. Bago ang pandemya, wala ring kumpanya, lokal o dayuhan, ang nakapagmamanupaktura ng anumang bakuna […]