Archive of Articles

Mga opensiba laban sa FMO sa Bukidnon
August 21, 2019

Sa naiulat sa Ang Bayan, 30 armadong aksyon ang nailunsad ng Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao Region (BHB-NCMR) sa Bukidnon sa panahon ng mga nakapokus na operasyong militar ng AFP (Marso 2018-Enero 2019). Dalawampu sa mga ito ay direktang patama at bigwas sa mga tropa ng FMO. Pinakamasinsin dito ang 14 na armadong aksyon (13 […]

Pagyurak sa mga karapatang-tao sa Bukidnon
August 21, 2019

Habang nasa sentro ang Bukidnon ng mga operasyong pagdumog ng militar, pahaba nang pahaba ang listahan ng mga krimen ng AFP laban sa mamamayan dito. Noong 2018, hindi bababa sa lima ang pinaslang at marami pa ang iligal na inaresto na mga sibilyan. Nitong taon, 13 na ang pinaslang habang daan-daang baryo ang hinahalihaw ng […]

200 pamilya, nagbakwit sa Caramoan
August 21, 2019

Mahigit 200 pamilya mula sa Barangay Lidong, Caramoan, Camarines Sur ang nagbakwit matapos paulanan ng bala at bomba ng Philippine Air Force ang kanilang komunidad noong Agosto 13. Para bigyang-katwiran ang pang-aatake, pinalabas ng mga pasista na may naganap na engkwentro sa pagitan ng 83rd IB at mga Pulang mandirigma sa lugar, bagay na pinasinungalingan […]

Gina Lopez, pumanaw na
August 21, 2019

“Isang tunay na kaibigan ng mamamayang Pilipino” ang turing ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) kay Regina “Gina” Lopez. Ito ang pahayag ng PKP sa sulat pakikidalamhati nito sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Pumanaw si Lopez sa edad na 65 noong Agosto 19 sa sakit na kanser. Naging kalihim si Lopez ng Department of […]

Piketlayn sa Pepmaco, marahas na binuwag
August 21, 2019

Sa ikalawang pagkakataon, marahas na binuwag ng mga pulis ang piketlayn ng mga manggagawa ng Pepmaco sa Calamba, Laguna noong Agosto 19, alas 11:30 ng umaga. Labing walong manggagawa ang arbitraryong inaresto at ikinulong kabilang ang anim na babae. Naganap ang dispersal habang nasa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board ang mga upisyal ng […]

P113.7M-halaga ng mga libro, nakatambak sa DepEd
August 21, 2019

Kinundena ng ACT Teachers Partylist ang Department of Education matapos matuklasan na hindi pa nito naipamamahagi sa mga mag-aaral ang mahigit P113.7-milyong halaga ng mga aklat pang-eskwela. Binatikos din ng grupo ang maanomalyang P254-milyon halaga ng mga kontratang pinasok nito sa pagbili ng mga aklat na mali-mali ang nilalaman. “Paulit-ulit na sinasabihan ang mga guro […]

3 patay, daan-daan iligal na idinetine ng PNP sa Baseco
August 21, 2019

Sa utos ng meyor ng Maynila na si Isko Moreno na linisin ang Baseco Compound na pugad umano ng droga, sinalakay ng daan-daang pulis ang lugar noong Agosto 11. Ang Baseco ay maralitang komunidad na matatagpuan sa kahabaan ng Manila Bay. Noong Marso pa target na palayasin ang libu-libong residente nito upang ipatupad ang reklamasyon […]

Araw ng Pagluluksa para sa Negros
August 21, 2019

Inilunsad ng Defend Negros #StopTheAttacks Network ang “Pambansang Araw ng Pagluluksa at Protesta” noong Agosto 20 upang kundenahin ang malawakang pamamaslang at iba pang mga pang-aatake sa mga sibilyan sa Negros. Pinangunahan nito ang mga pagkilos ng daan-daang indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, […]

Dengvaxia, pinaburan ni Duterte
August 21, 2019

Matapos magdeklara ang Department of Health (DOH) noong Agosto 6 na mayroong epidemya ng dengue, agad na itinulak ni Rodrigo Duterte ang muling pagpapabakuna ng kabataan ng Dengvaxia. Sa kabila ito ng maanomalyang programa sa pagbabakuna na pinaniniwalaang pumatay sa ‘di bababa sa 26 Pilipinong bata mula Abril 2016-Pebrero 2018. Tinutulan ng mga duktor at […]

Bagong pasilidad para sa militar ng US
August 21, 2019

Pinahigpit ng US ang kontrol nito sa militar at pulis ng Pilipinas matapos pagkasunduan ang pagtatayo sa bansa ng pasilidad para sa “gera kontra-terorismo.” Nitong Agosto 15, pinirmahan nina US Embassy Deputy Chief of Mission John Law at Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang kasunduan para sa pagtatayo ng sentro ng pagsasanay […]