Nagpiket ang iba’t ibang grupo ng alternatibong midya, mga aktibista para sa digital rights at kanilang mga tagasuporta sa harapan ng Department of Information and Communications Technology noong Marso 12 kasabay ng paggunita sa World Day vs Cybercensorship. Kinundena ng mga grupo ang kawalang aksyon ng ahensya sa pagtugon sa pang-aatake sa kanilang mga website. […]
SUNUD-SUNOD NA PROTESTA ang inilunsad ng mga progresibong organisasyong kabataan matapos ibalita ang brutal na pagpatay kay Willie Amihoy, isang kadete ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa Iloilo State College of Fisheries. Pinatay si Amihoy ng kanyang kumander sa ROTC na si Elmer Decilao noong Marso 10 matapos siyang pagbintangan ng huli na nagtago […]
TULUY-TULOY ANG PAGBAGSAK ng presyo ng palay, sibuyas at iba pang lokal na produktong agrikultural sa unang kwarto ng 2019. Ito ay dulot ng walang sagkang pag-aangkat ng naturang mga produkto sa ilalim ng liberalisadong kalakalan. Mula sa humigit-kumulang P20/kilo noong nagdaang taon, nasa P14/kilo na lamang ang presyo ng lokal na palay noong Marso. […]
NAGKAMIT NG MGA tagumpay ang mga magsasaka ng Maayon, Capiz matapos makipagdayalogo sa walong komersyante-usurero ng naturang bayan noong Marso 26. Lumahok sa dayalogo ang 250 magsasaka mula sa 13 barangay ng Maayon. Pinangunahan ng Kahublagan sang mga Mangunguma kag Mamumugon sa Uma sa Capiz (Kammaca), tsapter ng Pamanggas-Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa prubinsya. Tampok […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ipinaaabot ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mga Pulang kumander at mandirigma sa ika-50 taon ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Sa pahayag nito, binati ng PKP ang mga tagumpay ng BHB sa nagdaang limang dekada ng paglulunsad nito ng digmang bayan. Pinarangalan din ng Komite […]
INAMBUS NG Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mt. Province ang nag-ooperasyong tropa ng Philippine National Police (PNP) na nagtangkang isabotahe ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng BHB noong Marso 29. Pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang mga pulis bandang alas-9 ng umaga sa Mt. Gonggong-o sa bayan ng Bauko. Isang pulis ang namatay at isa ang nasugatan. […]
PALATANDAAN NG UMIIGTING na panunupil ng rehimeng US-Duterte ang pagdayo ng mga kinatawan nito sa Europe upang ipaharang sa European Union (EU) at United Nations (UN) ang pagpondo sa mga ligal na institusyon na arbitraryong binabansagang mga “prenteng organisasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).” Noong ikalawang linggo ng Pebrero, umikot sa mga bansa sa […]
Isang platun ng mga Pulang mandirigma ang nakapagtapos ng 10-araw na Batayang Kurso sa Pulitiko-Militar (BKPM) sa North Central Mindanao Region (NCMR) noong Pebrero. Pangatlo ito sa serye ng mga pagsasanay na inilulunsad sa iba’t ibang subrehiyon. Bahagi ito ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng pagkakatatag ng BHB sa darating na Marso […]
Higit pang nalulugmok sa kahirapan ang kalakhan ng mamamayang Pilipino bunsod ng paglala ng disempleyo sa bansa sa ilalim ng rehimeng US-Duterte. Sa inilabas na datos ng reaksyunaryong gubyerno kamakailan, bumaba nang 387,000 ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho mula 41.8 milyon noong Enero 2018 tungong 41.4 milyon sa Enero nitong taon. Mula 1986, […]
NAGTAASAN ANG PRESYO ng mga produktong petrolyo sa lokal na pamilihan sa loob ng anim na magkakasunod na linggo. Noong huling linggo ng Pebrero, umabot na sa P43.44/litro ang presyo ng diesel, P52.69/litro ang gasolina, at P51.09/litro ang kerosene. Bukod sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan (pagtaas nang $22.25/bariles sa presyo ng […]