Nagprotesta ang mga grupong pambansa-demokratiko sa loob at labas ng bansa para kundenahin ang nagpapatuloy na neokolonyal na paghahari ng imperyalismong US sa bansa noong Hunyo 12, araw ng huwad na kalayaan ng bansa. Nagmartsa sila tungong embahada ng US sa Roxas Boulevard at nanawagan sa sambayanang Pilipino na ilantad at tutulan ang imperyalismong US […]
Sa mga komunidad sa paligid ng mga base militar ng US, o tinaguriang “EDCA site” at mga pinagdausan ng Balikatan 2024, laganap ang kapabayaan, disimpormasyon at panggigipit ng reaksyunaryong gubyerno at militar ng US. Ito ang kongklusyon ng isang fact-finding mission na isinagawa ng Bayan-USA at PINAS Peace mission sa Central Luzon, Ilocos Norte at […]
Magsalin-salin man ng henerasyon ng masang magsasaka sa Samar, hindi masasaid ang kanilang suporta sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ito ang mensahe ng rebolusyonaryong masa sa prubinsya nang magkaroon ng pagkakataong muling makasalamuha ang BHB matapos ng ilang panahong pagkaputol ng ugnay. “Pinalaki kaming magkakapatid ng aming mga magulang na mataas ang pagrespeto sa mga […]
Sa gitna ng walang patid na terorismo at pasistang panunupil sa Negros, pursigidong ipinatutupad ng mga kadre at kasapi ng Partido sa isla ang panawagan ng Komite Sentral noong Disyembre 2023 na isulong ang kilusang pagwawasto. Ginamit nitong praktikal na sanggunian ang Rebolusyon, pahayagang teoretikal ng Partido Komunista ng Pilipinas, at ang mga sulatin ni […]
Muling tumampok kamakailan ang usapin ng diborsyo nang ipinasa ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagsasabatas nito sa Pilipinas. Kaiba sa annulment (pagpapawalambisa) at ligal na paghihiwalay, ang ligal na opsyon ng diborsyo ay paglusaw ng kasal, pagbabalik sa katayuang “single” ng mag-asawa at pagpapahintulot sa kanila na magpakasal sa iba. Nasa batas na […]
Nagtapos na ang El Niño at pumasok na ang tag-ulan, pero patuloy pa ring binabalikat ng masang anakpawis, laluna ng mga magsasaka at mangingisda, ang kalbaryo ng pagkawasak sa kanilang kabuhayan ng tagtuyot na pinatindi ng pagbabago sa klima. Kulang na kulang at pawang pakitang-tao lamang naging tugon ng rehimeng Marcos sa halos isang taong […]
Pilit na ipinamumukha ni Ferdinand Marcos Jr na nakikinabang ang mga magsasaka sa bogus na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng kanyang rehimen. Sa nagdaang mga buwan, kaliwa’t kanan ang pag-iikot sa bansa para sa palabas na seremonya ng pamamahagi ng mga Certificates of Land Ownership Awards (CLOA). Ang totoo, hungkag ang mga […]
Noong Hunyo 10, nagpiket-protesta ang mga progresibong organisasyon ng mga magbubukid, mangingisda at tagapagtaguyod ng karapatan sa lupa sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa harap ng DAR sa Quezon City kasabay ng ika-36 taon ng CARP. Kinundena nila ang kabulukan ng pinakamatagal, pinakamagastos, at pinakamapanupil na “reporma sa lupa.” Lumahok sa protesta ang […]
Download