Cases of human rights violations across the country perpetrated by state forces continued to increase in recent weeks. Killings. Nenita Buscada, an indigenous person, was brutally killed by the 88th IB in Barangay Saint Peter, Malaybalay City on June 15. Buscada was with her husband and two other civilians heading to the forest to gather […]
CLSU students walk out against repression. More than 200 students from Central Luzon State University in Nueva Ecija walked out of classes on June 22 to condemn the suppression of their democratic rights, red-tagging, and state harassment on university student leaders.They stood against attempts by the administration and state forces to silence them. Justice […]
Apat na taon na ang pagdurusa ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng papet, pahirap at pasistang rehimeng Marcos. Anumang pilit na ilarawan ni Ferdinand Marcos Jr na “umuunlad” ang Pilipinas, hindi niya mapagtatakpan ang katotohanang sumasahol ang kalagayan ng bansa at sambayanang Pilipino. Kaliwa’t kanan ang deklarasyon ng mga upisyal ni Marcos na nagapi na […]
Dalawang malalakas na lindol ang tumama sa mga prubinsya ng Mindanao noong Hunyo. Una ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8 kung saan nasa karagatan ng Sarangani ang episentro, at ikalawa ang 6.6 magnitude na lindol noong Hunyo 26 na nasa karagatan ng Davao Occidental ang episentro. Sinundan pa ito ng mga aftershock na […]
Nagpaabot ng pakikiramay ang Special Office for the Protection of Children (SOPC) ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sa mga pamilya, kamag-anak, kaklase, guro, at mga komunidad na naapektuhan ng trahedya ng pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong Hunyo 22. Anito, hindi lamang ito trahedya ng mga indibidwal kundi isang sintomas ng […]
Nagtipon ang mga kinatawan ng mga balangay at yunit ng Christians for National Liberation (CNL) noong ikalawang kwarto ng taon para idaos ang kanilang ika-10 kongreso. Dumalo dito ang mga obispo, relihiyoso at pastor, manggagawang layko at mga kinatawan ng kabataan mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Inilunsad ang kongreso sa temang “Palakasin at […]
Naglunsad ng pangkalahatang asembliya ang Arista at Manunulat ng Sambayanan (Armas)-Balangay Jethro Isaac Ferrer, isang balangay sa Southern Tagalog, noong Hunyo. Pagsisikap ito ng balangay para sa konsolidasyon at pagpapalawak ng hanay. Sa asembliya, nagtanghal ang mga myembro at nagsagawa ng rebolusyonaryong panunuring masa sa mga pyesa. Inihalal rin nila ang bagong mga upisyal ng […]
Hindi nalinlang ni Ferdinand Marcos Jr ang taumbayan sa pakana at palabas na kampanyang kontra-korapsyon ng kanyang rehimen mula nang ideklara ito noong Hulyo 2025. Batid ng bayan na hungkag ang mga kataga niyang “Mahiya naman kayo!” dahil nakatuon lamang ito sa mga katunggali sa pulitika habang hindi pinananagot ang kanyang sarili, mga alipures at […]
Nitong nagdaang mga araw, dalawang pahayag ng rehimeng Marcos ang muling nagpatampok sa kahungkagan at pagiging pahirap nito sa mga Pilipino. Una ang nakaiinsultong ₱85 dagdag sa arawang sahod na inilarawang “makasaysayan” ng mga upisyal ng rehimen. Pangalawa ang diumano’y pagtuntong ng Pilipinas sa katayuang “upper middle income” alinsunod sa pamantayan ng imperyalistang institusyong World […]
Nagmartsa ang mga progresibong grupo tungong embahada ng US sa Maynila noong Hulyo 4 para gunitain sa protesta ang ika-80 kunwa’y “friendship day” sa pagitan ng US at Pilipinas. Tatak ng neokolonyalismo ang pagdiriwang nito sa bansa. Kinundena ng mga raliyista ang nagpapatuloy na pakikialam ng US sa Pilipinas at pagkaladkad nito sa mga Pilipino […]