PATAY SA PAMAMARIL si Reynaldo Malaborbor, 64, sa tapat ng kanyang bahay sa Katapatan Subdivision, Cabuyao City, Laguna noong Nobyembre 4, alas 9 ng gabi. Si Malaborbor ay myembro ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magsasaka sa Laguna (Pumalag) at Makabayang Koalisyon ng Mamamayan-Timog Katagalugan. Siya ay dating bilanggong pulitikal na inaresto noong Oktubre 5, 2010 […]
Sa kabila ng pag-iral ng pasistang tiraniya, binubuhay ng mamamayan ang demokrasya sa landas ng pakikibaka. Matatagpuan ito sa mga organisasyon ng mamamayan, kanilang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at gubyernong bayan, sa loob ng Partido Komunista at ng Bagong Hukbong Bayan. Sa Cordillera, dumadaloy ang demokrasya sa ugnayan ng mga katutubo at Partido Komunista […]
INIULAT NG FORBES noong Oktubre ang muling paglobo ng yaman ng pinakamalalaking burgesya kumprador sa bansa. Inilahad nito na pare-parehong tumaas ang net worth (o halaga ng ari-arian) ng siyam sa sampung pinakamayamang bilyunaryo sa bansa. Pinakamalaki ang itinaas ng yaman ni Hans Sy (16%, tungong P140 bilyon), anak ng yumaong kapitalistang si Henry Sy. […]
ISINALARAWAN NG KAPATID bilang nasa “kritikal na kalagayan” ang mga bilanggo sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa. Ang Kapatid ay organisasyon ng mga kapamilya at tagasuporta ng mga bilanggong pulitikal. Namatay ang 29 bilanggo resulta ng “lockdown” o pagsasara ng NBP noong Oktubre 9. Pulmonya at iba pang sakit ang ikinamatay nila. Ipinagbawal ng […]
DAAN-DAANG MYEMBRO NG mga organisasyong magsasaka at mga tagasuporta nila ang nagmartsa tungong Mendiola noong Oktubre 21 upang gunitain ang Buwan ng Magsasaka. Pinangunahan ng mga magsasaka mula sa Central Luzon, Ilocos, Mt. Province at Southern Tagalog ang kilos protesta. Ipinanawagan nila ang pagbasura sa batas sa liberalisasyon ng bigas o RA 11203 dahil bigo […]
Matapos ang trahedyang dulot ng mga lindol sa Mindanao noong Oktubre, nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at mga rehiyunal na yunit nito sa Southern Mindanao Region (SMR) at Far South Mindanao Region (FSMR) na biguin ang militarismo ng rehimeng US-Duterte. Niyanig ang isla ng hindi bababa sa limang magkakasunod na lindol mula Oktubre […]
SA TATLONG MAGKAKASUNOD na taon, nanatiling panglima ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na Global Impunity Index (GII) ayon sa ulat noong Oktubre 29 ng Committee to Protect Journalists (CPJ). Ang GII ay sumusukat sa bilang ng mga hindi nareresolbang kaso ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa mga mamamahayag. Nakapagtala ang CPJ ng 41 kaso […]
INILUNSAD ANG CUBAN Anti-Imperialist Solidarity Conference for Democracy and Against Neoliberalism sa Havana, Cuba noong Nobyembre 1-3. Ang kumperensya ay inorganisa ng Communist Party of Cuba at dinaluhan ng mahigit 1,200 delegado mula sa 95 bansa. Nagsilbi ang kumperensya bilang ekspresyon ng pakikibaka ng mga mamamayan ng buong daigdig laban sa imperyalismo. Tampok sa aktibidad […]
Milyun-milyong mamamayan ang humugos at patuloy na humuhugos sa mga lansangan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig para ipanawagan ang pagbabasura sa pahirap na mga patakaran sa kani-kanilang bansa. Dambuhalang mga protesta ang inilunsad sa Latin America, Europe, Middle East at Africa nitong nagdaang mga linggo para labanan ang mga neoliberal na patakarang pang-ekonomya, pagsidhi […]
Download the issue here Pilipino: PDF English: PDF Waray: PDF