Archive of Fisherfolks

Grupong Save Gubat Bay Movement, nagtayo ng nursery ng mga bakawan sa Sorsogon
August 09, 2023

Nagtayo ng nursery ng mga bakawan ang grupong Save Gubat Bay Movement na magsisilbing pangtanim at pangrehabilitate sa nasisirang mga bakawan sa prubinsya. Ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na mapangalagaan ang sistema ng ekolohiya ng karagatan sa Sorsogon. Ang nursery ng bakawan ay lugar para patubuin at alagaan ang mga punla hanggang […]

Konstruksyon ng coastal road sa Sorsogon, pinaiimbestigahan ng mga mangingisda
July 14, 2023

Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) kahapon, Hulyo 13, ng imbestigasyon sa konstruksyon ng coastal road sa Gubat, Sorsogon dahil sa lumilitaw na paggamit umano ng mga patay na koral sa pagtatayo nito. Bago pa nito, nauna nang ipinanawagan ng Save Gubat Bay Movement ang pagpapahinto sa proyekto at kaakibat nitong […]

Kawalang-aksyon ni Marcos sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, binatikos
July 13, 2023

Sa ika-7 taon ng arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kaugnay sa pag-aari ng Pilipinas sa mga teritoryong dagat nito sa West Philippine Sea, nagprotesta ang mga mangingisda at binatikos ang inutil na aksyon ng rehimeng Marcos Jr sa paggigiit ng karapatan ng Pilipinas sa naturang karagatan. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang […]

Hinaing ng mga mangingisda, hindi tinugunan ni Marcos Jr
June 30, 2023

Sa loob ng isang taong panunungkulan ni Ferdinand Marcos Jr, bigo itong tugunan ang hinaing ng mga mangingisda sa bansa ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya). Ayon sa grupo, “walang makabuluhang pagbabago sa sektor ng pangisda” sa ilalim ng rehimen. “Pinakamahirap na sektor pa rin ang mga mangingisda sa ilalim […]

Fluvial protest kontra reklamasyon, inilunsad sa Bacolod City
June 26, 2023

Naglunsad kahapon ng fluvial protest o protesta sa karagatan ang mga mangingisda at maralitang tutol sa nakatakdang 1,018-ektaryang proyektong reklamasyon sa Bacolod City. Pinangunahan ang pagkilos ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (Pamalakaya)-Negros, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-Negros at Bacolod Against Reclamation Movement (BARM). Ang mga nakiisa sa protesta ay mula sa mga barangay ng […]

Isda sa Cavite, apektado ng dredging
June 21, 2023

Bumagsak nang 80% ang huling isda ng grupong Pamalakaya at mga mangingisda mula nang simulan ang mga proyektong reklamasyon sa Cavite noong 2021. Noong nakaraang linggo, napuna nila ang paglutang ng flounder fish, kilala sa lugar bilang isdang dapa o tampal-puke. Anila, nataboy ang mga isdang ito sa mula sa paninirahan nito sa sea floor […]

Mag-aalimango sa Sorsogon, naggiit ng dayalogo sa BFAR
June 14, 2023

Nanawagan ang Save Gubat Bay Movement (SGBM), samahan ng mga mangingisda sa bayan ng Gubat, Sorsogon, noong Hunyo 13 sa mga upisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makipagdayalogo para pag-usapan ang utos nitong nagbabawal sa paghuli at pagbebenta ng mga mangrove crablets o kilala din bilang King Crabs. Ang utos na […]

Mapangwasak na proyektong reklamasyon, tinutulan
June 05, 2023

Inilunsad sa pangunguna ng People’s Network for the Integrity of Coastal Habitats and Ecosystems (People’s NICHE) ang 3rd National People’s Summit Against Reclamation noong Hunyo 3-4 sa Maynila. Kabilang sa mga lumahok sa pagtitipon ang iba pang grupong maka-kalikasan, kasama ang higit 100 mangingisda mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Tumampok sa kanilang talakayan […]

Moratoryum sa bagong mga proyektong reklamasyon, ipinag-utos
May 10, 2023

Pansamantalang ititigil ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang pagtanggap ng bagong mga aplikasyon para sa mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay at iba pang bahagi ng bansa. Inamin ng ahensya na ang pagtigil ay bunga ng mariin at malawak na pagtutol ng mga organisasyong pangkalikasan, apektadong komunidad at mga eksperto laban dito. Kasunod ito sa […]

Pagbabawal mangisda sa Zambales dahil sa Balikatan 2023, tinuligsa
April 14, 2023

Binatikos ng mga mangingisda at ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) noong Abril 11 ang patakaran ng gubyerno na “no-sail zone” o pagbabawal mangisda sa hindi bababa sa limang bayan ng Zambales para magbigay daan sa 18-araw na ehersisyong Balikatan sa pagitan ng mga sundalo ng US at Pilipinas. Tatagal ang patakaran […]