Archive of Human Rights

1,526 biktima ng ekstrahudisyal na pagpaslang noong 2021
February 01, 2022

Inilathala kahapon ng Institute for Nationalist Studies (INS) ang proyektong “Pusila: 2021 Extrajudicial Killings under Duterte’s Regime,” isang pananaliksik na nagsusuma sa nakadokumento at naiulat na mga kaso ng ekstrahudisyal na mga pagpaslang at asasinasyon sa buong bansa noong 2021. Nakapagtala ang grupo ng 1,526 biktima sa buong taon o mahigit apat kada araw ng […]

Interbensyong militar ng US sa Pilipinas at South China Sea sa 2022, bwelado na
January 31, 2022

Sa tabing ng mga pagsasanay-militar at “malayang paglalayag,” ibinwelo na ng US ang mga mapanghimasok na aktibidad at operasyong militar nito sa Pilipinas at sa South China Sea simula noong unang mga linggo ng 2022. Ang mga aktibidad na ito ay lalong nagpapainit sa militaristang girian sa pagitan ng imperyalismong US at China sa loob […]

Sangsyon kontra NTF-Elcac, mga upisyal ni Duterte, hiningi sa kongreso ng US
January 31, 2022

Umapela ang 24 Amerikanong mambabatas sa administrasyong Biden na patawan ng sangsyon ang anim na kasalukuyan at nakaraang upisyal sa seguridad ng rehimeng Duterte na may malalalang rekord ng paglabag sa karapatang-tao. Ang sumusunod ang mga upisyal na nais patawan ng sangsyon ng mga mambabatas: 1) Delfin Lorenzana, kalihim ng Department of National Defense 2) Hermogenes […]

Konsultant ng NDFP na si Pedro Codaste, pinatay pagkatapos dukutin ng AFP
January 30, 2022

Kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagdukot, tiyak na pagtortyur, at pagpaslang ng mga elemento ng 4th ID kay Pedro Codaste (Ka Gonyong), konsultant sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas. Pinatay din ang noo’y kasama niya sa tinitirhang bahay na Pulang […]

Sino ang Pinoprotektahan ng 59th IB?
January 29, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nang buuin at pangalanan na “Protector” ang 59 Infantry Battalion ng Philippine Army, kaagad kang mapapakunot-noo kung nag-iisip ba nang matino ang mga sundalong ito. Sa pelikulang Pilipino at maging sa tunay-na-buhay man ng mga sindikatong kriminal, ang Protektor sa kanilang lenggwahe ay nakapatungkol sa mga bayarang pulis, sundalong iskalawag at korap na opisyal ng […]

Condemn the abduction and cold-blooded murder of NDFP Peace Consultant Pedro Codaste
January 28, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

The Communist Party of the Philippines (CPP) condemns in the strongest terms the Armed Forces of the Philippines, particularly its Eastern Mindanao Command, the 4th Infantry Division and its fascist troops, for the abduction and murder of NDFP Peace Consultant Pedro Codaste (Ka Gonyong/Ka Serv) and his companion Ka Globe/Sandro (also recovering from battle wounds) […]

Fact-finding mission sa Bulacan, pinaputukan ng mga maton ng pamilyang Araneta
January 28, 2022

Pinaputukan ng mga armadong maton ni Gregorio “Greggy” Araneta III noong Enero 28 ang mga kasapi ng Kilusang Magububukid ng Pilipinas at Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan-AMB na nagsasagawa ng imbestigasyon sa iligal na pagdemolis sa Lupang Teresa, Barangay San Roque, San Jose del Monte, Bulacan. Ninakaw din ng mga maton ang mga selpon, bag, […]

Pastor na iligal na inaresto sa Zamboanga, nakalaya na
January 28, 2022

Ibinasura ng RTC Branch 11 of Sindangan, Zamboanga Del Norte noong Enero 26 ang gawa-gawang kaso laban kay Pastor Benjie Gomez, pastor ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP). Noong Hunyo 6, 2021 inaresto si Gomez habang nagmimisa sa UCCP Mutia, Zamboanga del Nore ng mga pulis. Sinampahan siya ng gawa-gawang kaso ni […]

107 patay, karamihan sibilyan, sa pambobomba ng Saudi sa Yemen
January 26, 2022

Hindi bababa sa 107 ang sibilyan at kasapi ng grupong Houthi ang namatay habang daan-daan ang sugatan sa serye ng walang patumanggang mga air strike ng koalisyong militar na pinangungunahan ng Saudi Arabia sa hilagang Yemen noong Enero 17 at 21. Direktang tinarget ng mga pag-atakeng ito ang matataong mga lugar sa bansa at mga […]

Fake News Alert: Ruben Estremadura
January 25, 2022 | New People's Army | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) |

Inaresto nitong Enero 12 si Ruben Estremadura, isang magsasaka sa Brgy. Sta. Barbara, Bulusan, Sorsogon ng mga elemento ng 31st IBPA at Bulusan PNP. Pinaratangan siya na NPA at sinampahan ng gawa-gawang kaso. Si Estremadura ay unang sibilyan na pinaratangan na NPA ngayong taon at pang 24 mula 2020.