Archive of Human Rights

2 nadakip na hors de combat ng BHB, itinatago ng 203rd IBde
October 31, 2023

Dalawang hors de combat na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro ang nadakip ng 203rd IBde noong ikatlong linggo ng Oktubre. Hindi pa sila inililitaw hanggang ngayon. Sa imbestigasyon ng BHB-Mindoro, nasa kamay ng mga sundalo ang sugatang mandirigma na si Sonny Rogelio (Ka Ed) at si Sonny Sambutan (Ka Omeng). Ang dalawa ay […]

Ilitaw at palayain ang mga hors de combat na kasapi ng NPA Mindoro
October 30, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Dapat ilitaw at palayain ng AFP-PNP sina Ka Ed (Sonny Rogelio) at Ka Omeng (Sonny Sambutan), mga mandirigma ng Lucio de Guzman Command – NPA-Mindoro na nabihag ng 203rd Brigade at PNP-SAF matapos ang isang engkwentro noong Oktubre 17 sa Bongabong, Oriental Mindoro. Sugatan si Ka Ed at isang hors de combat o wala sa […]

Pagbuwag sa protestang kontra-mina sa Palawan, kinundena
October 30, 2023

Kinundena ng mga grupong maka-kalikasan ang pagbuwag sa protesta ng mga grupong kontra-mina sa Barangay Maasin, Brooke’s Point sa Palawan laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) noong Oktubre 25. Nananawagan ang mga nagpuprotesta na kagyat na itigil ang pagmimina at tuluyan na itong isara. Hinaing ng mga grupo, labag ang mga operasyon ng […]

Walang pakundangang pamamaslang ng Israel sa mga mamamahayag sa Gaza, kinundena
October 29, 2023

Naglabas ng pinag-isahang pahayag ang pitong grupo ng mamamahayag sa Southeast Asia para kundenahin ang walang pakundangang pamamaslang sa mga mamamahayag at iba pang sibilyan. “Itinuturing namin itong pundamental na paglabag sa mga karapatang-tao at internasyunal na makataong batas,” pahayag ng mga organisasyon noong Oktubre 27. Nakiisa rin sila sa lahat ng mga mamamahayag at […]

Manindigan para sa mamamayang Palestino! Suporta at ayuda para sa mga biktima ng kampanyang henosidyo ng US at Israel
October 29, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kasuklam-suklam ang US sa lantarang paghadlang sa pagpapasok ng humanitarian aid para sa mamamayang Palestino habang tuluy-tuloy na sinusuportahan ang Zionistang Israel ng armas at rekurso sa gitna ng nagaganap na gerang Israel-Palestino. Sa kapinsalaan ng sanlibutan, hinihila ng US ang mga mamamayan ng daigdig sa paghahasik ng gera sa iba’t ibang sulok ng mundo […]

Kundenahin ang pinatinding pambobomba ng Israel sa Gaza sa harap ng mga panawagan para sa makataong tigil-putukan
October 29, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mamamayang Pilipino at mga mamamayan sa buong daigdig sa pagkundena sa Zionistang gubyerno ng Israel sa kautusan nitong ibayong patindihin ang pambobomba sa Gaza, kung saan higit dalawang milyong Palestino ang ngayo’y nagdurusa sa isang sakuna sa sangkatauhan. Ang ibayong pagpapatindi sa pambobomba ay isang araw kasunod […]

Condemn Israel's intensified bombing of Gaza amid calls for humanitarian truce
October 29, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

The Communist Party of the Philippines (CPP) joins the Filipino people and peoples across the world in condemning the Zionist government of Israel for ordering the further intensification of the bombing of Gaza, where more than two million Palestinians are now suffering a humanitarian catastrophe. The further intensification of the bombing comes a day after […]

Hustisya para sa pagkamatay ng isang estudyante ng Rizal Technological University, ipinanawagan
October 29, 2023

Nagsama-sama ang mga estudyante ng Rizal Technological University (RTU) sa kampus nito sa Mandaluyong City noong Oktubre 27 para magtirik ng kandila at manawagan ng hustisya sa pagkamatay ng estudyante sa grade 7 na si Yuwan Lorenzo Magdato. Si Magdato, 12 taong gulang, ay nagpatiwakal noong Oktubre 19 dahil sa isyu sa kanyang pag-aaral. Sa […]

Mamamayang Moro, nagrali sa Maynila at mga syudad sa Mindanao para sa Palestine
October 29, 2023

Nagtipon ang ilandaang Moro sa Luneta Grandstand sa Maynila noong Oktubre 26 para ipahayag ang kanilang suporta sa mamamayang Palestino at tutulan ang nagaganap na henosidyo ng Israel sa Gaza. Ang protestang ito ay bahagi ng serye ng mga pagkilos na isinagawa ng mga Moro sa Marawi, South Cotabato, Tawi-tawi at Sulu. Sa South Cotabato, […]

UN "humanitarian truce" sa Gaza, pinagtibay; Pilipinas, nag-abstain
October 28, 2023

Ipinasa ng United Nations General Assembly noong Oktubre 27 ang resolusyong nananawagan para sa isang “humanitarian truce” o makataong pagtigil ng mga atake, para bigyan-daan ang pagpasok ng ayudang makatao sa Gaza Strip. Nangangahulugan ito pangunahin ng pagtigil ng pambobomba ng Israel sa lugar. Pumasa ang resolusyon na may 120 pabor, 14 na di sang-ayon […]