Pinirmahan na ng gubyerno ng United Kingdom noong Hunyo 17 ang utos para sa extradition o sapilitang paglilipat sa US kay Julian Assange, isang mamamahayag at kilalang tagatapagtatag ng Wikileaks. Ito ang resulta ng ilang taon nang pambabraso ng US para isuko ng UK si Assange para ikulong sa US. Bago nito, tumanggi ang isang […]
Mahigpit na kinundena ng Communist Party of India (CPI)-Maoist ang pakana ng reaksyunaryong estado sa India ng sapilitang pagrerekrut sa kabataan. Tinawag na Agnipath, layunin nitong palakasin ang pasistang makinarya ng estado laban sa mamamayan. Kinundena rin nito ang mararahas na pambubuwag ng pulis sa mga protesta laban sa pakana na kumalat na sa 14 […]
Sa kauna-unahang pagkakataon, nahalal sa Colombia ang isang presidente na tinaguriang maka-Kaliwa dulot ng kanyang progresibong paninindigan laban sa neoliberalismo at para sa kalikasan, kababaihan at LGBT. Nanalo sa eleksyon noong Hunyo 19 si Gustavo Petro, kasama ng kanyang bise-presidente na si Francia Marquez, laban sa karibal na pulitikong bilyunaryo. Si Petro ang pinakahuli sa […]
Tatlong araw na ang Paro Nacional o pambansang welga ng mamamayang Ecuadorian laban sa neoliberal na mga patakarang ipinatutupad sa kanilang bansa. Sa pangunguna ng Confederación de Nacionalidades Indígenas (Conaie), isang pederasyon ng mga grupong katutubong Ecuadorian, libu-libo ang humugos sa iba’t ibang lansangan para pigilan ang pagdaan ng mga sasakyan at tao. Pinaralisa nila […]
Nagtapos kamakailan ang ika-9 na Kongreso ng Freedom Road Socialist Organization (FRSO), isang rebolusyonaryong organisasyon sa US, na may temang ‘Sunggaban ang pagkakataon, maliwanag ang hinaharap! (Seize the time, the future is bright!) Nagpaabot ng mensahe ng pakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa isinagawang kongreso ng FRSO. Para sa FRSO, ang pagtatapos ng […]
Tatlong beses na lumaki ang tubo ng limang pinakamalalaking kumpanya ng langis sa mundo para sa unang kwarto ng 2022, ayon sa isang ulat na inilabas ng Center for American Progress (CAP) noong Mayo 18. Ito ay matapos sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng ispekulasyon sa merkado dulot ng imperyalistang gera na […]
Binuo noong Mayo 31 ng mga grupo ng mamamahayag sa rehiyong Asia-Pacific ang isang pederasyon na magtataguyod ng laban para sa kalayaan sa pamamahayag, pagpapalakas ng ekpresyon sa mga platapormang digital at paglaban sa panggigipit sa midya sa rehiyon. Itinatag ang Federation of Asia-Pacific Journalists (FAPaJ) ng mga organisasyong kasapi ng pandaigdigang organisasyong International Federation […]
Nanawagan ang grupo ng mga mamamahayag sa rehimeng Ferdinand Marcos Jr. na igalang nito ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa at huwag ibayong gipitin. Inilabas ang pahayag matapos ang limitadong akses at mistulang pagsasantabi sa midya sa isinagawang kumperensya ni Marcos Jr. noong Mayo 26. Tatatlong istasyon sa telebisyon ang inimbitahan ni Marcos Jr. sa “press conference” kung […]
Naiproklama na ng Kongreso ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa noong Mayo 25. Nauna sa kanya ang proklamasyon kay Sara Duterte, anak ng tiranikong si Rodrigo Duterte at alkalde ng Davao City, bilang bise presidente. Binansagan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang upisyal na proklamasyong ito bilang […]
Isang bagong bilyunaryo kada 30 oras (o kabuuang 536 indibidwal) ang lumitaw sa panahon ng pandemya o mula noong 2020. Ang impormasyong ito ay tinukoy ng Oxfam International, isang pandaigdigang katipunan ng 21 grupong mapagkawanggawa, sa ulat nitong “Pagpiga ng tubo sa Pagdurusa.” Habang may ilandaang bagong bilyunaryo, aabot naman sa 250 milyong katao ang […]