Nagprotesta ang mga Mindoreño sa pangunguna ng Koalisyong Sagip Mindoro sa Batasang Panlalawigan noong Disyembre 6 upang kundenahin ang pagpapasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Ordinance No. 145-2022 na nagpapahintulot sa pagmimina ng volcanic rock float (armour rocks) sa Oriental Mindoro. Nilagdaan ang ordinansa ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor noong Disyembre 2. Sinuportahan […]
Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Maalab na pagbati sa sambayanang Pilipino sa ika-54 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines! Maligayang Pasko! Sampu ng mga kabataan at bagong henerasyong rebolusyonaryo, nagbibigay-pugay at kinikilala namin si Kasamang Jose Maria “Joma” Sison bilang pinakadakilang Pilipino at lider rebolusyonaryo ng nagdaang siglo. Ang kanyang pagpanaw ay hindi pagtatapos ng rebolusyon, kundi pagsisimula […]
Walang kaparis na kahirapan ang dinaranas ng mamamayan ng daigdig sa kasalukuyang panahon. Sumisirit ang implasyon, pumuputok ang mga armadong tunggalian at pasistang panunupil ng mga kolonya’t malakolonyang estado sa pang-uudyok ng imperyalismo. Kahirapan ang dulot ng krisis ng labis na produksyon. Napakataas ang konsentrasyon ng kayamanan ng mundo sa iilan resulta ng pribadong pag-angkin […]
Nitong Nobyembre, ipinadala ng imperyalismong US si Vice President Kamala Harris sa Pilipinas bilang hakbang sa paggigiit ng geopulitikal na paghahari nito sa Asia-Pacific. Nais nitong palakasin ang presensyang militar sa rehiyon at patibayin ang mga nakalatag nitong base at depensa sakaling pumutok ang gera sa China. Susi sa estratehikong militar ng US na bumase […]
Tagumpay ang Technol Eight Philippines Workers Union (TEPWU)-OLALIA-KMU na kamtin ang kanilang kahilingan sa Collective Bargaining Agreement (CBA) noong Nobyembre 24 sa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) sa Calamba City, Laguna. Nakamit ng mga manggagawa ang sumusunod: P50.00 dagdag sahod kada araw sa una at ikalawang taon; lumpsum na P30,000 (mula sa […]
“Ang obhetibong kalagayan sa bansa at daigdig ay pumapabor sa pambansa-demokratikong kilusan ng kabataang Pilipino. Napapanahon nang iwagayway at itaguyod ng kabataang Pilipino ang pulang bandila ni Andres Bonifacio at ng Katipunan, na may bagong sagisag ng alyansa ng manggagawa-magsasaka.” —Talumpating binigkas sa Kongreso ng Pagtatatag ng Kabataang Makabayan Jose Maria Sison YMCA Youth Forum […]
Iligal na inaresto at bininbin ng AFP at PNP MIMAROPA si Raffy “Pingping” Bago, 19, noong Nobyembre 9 sa Brgy. Bonbon, Mansalay, Oriental Mindoro. Si Pingping ay isang estudyante at kabataang Mangyan. Papunta sa koprasan si Pingping nang makasalubong ang nag-ooperasyong AFP at PNP MIMAROPA. Dinakip siya at bininbin maghapon. Sa proseso, ininteroga siya at […]
Isang pari at isang aktibistang pangkalikasan ang naalarma sa mga pagbabanta sa kanilang buhay ng mga pwersang panseguridad ng estado. Pinuntahan si Rev. Edwin Egar, pastor ng United Church of Christ in the Philippines at Interim officer ng Karapatan Timog Katagalugan, ng mga elemento ng 59th IBPA sa kanyang tinutuluyang bahay sa Batangas sa loob […]
Nang-istraping at nagpasabog ng mga bala ng M203 ang berdugong 68th IBPA at 203rd Brigade sa hangganan ng Brgy. Aguas, Limlim at Pitogo ng bayan ng Rizal; Brgy. Manoot sa Bayan ng San Jose; at Brgy. Tanyag sa Bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro bandang ala-una ng madaling araw noong Nobyembre 6. Tumagal nang sampung minuto […]