Archive of Publications

Kalatas July 2021 | Ang marahas na RCSP at kampanyang pagpapasuko sa Mindoro
July 31, 2021

Sa pagkakaingin nagmumula ang pagkain at kalakal ng komunidad ni Mang Lito sa isang bayan sa Mindoro. Subalit sa nakaraang mga buwan, hirap silang ituloy ang pagkakaingin dahil sa mga sundalong tumitigil sa baryo. Naroon daw ang mga ito upang iligtas ang komunidad mula sa mga “teroristang NPA”. Pero hindi “ligtas” ang pakiramdam nina Mang […]

Kalatas July 2021 | Tugon ni Patnubay de Guia: Paano itinataguyod ng rebolusyonaryong kilusan ang tunay na nagsasariling patakarang panlabas?
July 31, 2021

Ang patakarang panlabas at pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa ibang bayan ay isang napakahalagang usapin na dapat na pagtuunan ng malaking pansin ng mamamayang Pilipino. Kung hindi mahusay ang pagtataguyod dito, mauuwi lamang ito sa hegemonya ng isang estado sa isa pang estado; at ng mga di tunay na malayang bayan. Isang ilusyon lamang ang diumanong […]

Kalatas July 2021 | Tugon ni Patnubay de Guia: Bakit dapat ibasura ang VFA at iba pang di-pantay na tratadong militar sa US?
July 31, 2021

Malaon nang nakikibaka ang mamamayang Pilipino para palayasin ang imperyalismong US sa bansa. Marubdob na nakidigma ang mga ninunong Pilipino sa mga mananakop na Amerikano. Nang itatag ang papet na republika at isabatas ang mga di-pantay na kasunduang militar sa bansa, sinalubong ito ng maaalab na pakikibakang bayan. Noong 1991, matagumpay na naitulak ng mamamayan […]

Kalatas July 2021 | INDEKS hinggil sa WPS, inilabas ng KARED-TK
July 31, 2021

Inihahandog ng Kagawaran sa Edukasyon-Timog Katagulagan (KARED-TK) ang INDEKS: Ipaglaban ang ligal at istorikal na karapatan ng Pilipinas sa WPS laban sa pangangamkam ng imperyalistang China, isang praymer hinggil sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa West Philippine Sea. Layunin ng praymer na armasan ng batayang kaalaman ang mamamayan sa mga usaping nakapalibot sa WPS […]

Kalatas July 2021 | Mga biktima ng pag-aalburuto ng bulkang Taal, inabandona ng gubyernong Duterte
July 31, 2021

Pinabayaan ng gubyernong Duterte ang libu-libong residenteng lumikas bunsod ng muling pag-alburuto ng bulkang Taal. Tulad ng dati, kulang ang ayuda at mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima. Matinding takot at pangamba ang dulot ng sunud-sunod na lindol. May epekto rin sa kalusugan ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan na umaabereyds ng 22,628 […]

Kalatas July 2021 | Singilin si Parlade sa kanyang mga krimen sa bayan
July 31, 2021

Nagretiro na si Lt. General Antonio Parlade Jr. sa AFP bilang hepe ng Southern Luzon Command (SOLCOM) at tagapagsalita ng NTF-ELCAC subalit nananatili at hindi malilimutan ang kanyang madugong rekord sa kasaysayan at alaala ng mamamayan ng Timog Katagalugan at buong bansa. Kaya ang sigaw ng bayan, papanagutin ang sinungaling, red-tagger, troll at pasistang si […]

Kalatas July 2021 | Ang RCSPO sa likod ng mapanlinlang na Ugnayan Caravan ng 201st Brigade
July 31, 2021

Mariing kinondena ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-BHB Quezon ang tuluy-tuloy na RCSPO ng 201st Brigade ng Philippine Army sa tabing ng Ugnayan Caravan. Noong Hulyo 15, inilako mismo ni Bgen. Norwyn Tolentino ng 201st Brigade ang mga pekeng proyektong pangkaunlaran sa Brgy. Binahian-C, Lopez kung saan pinamimili niya ang mga residente sa pagpapatayo ng kalsada, […]

Kalatas July 2021 | Paglabag ng AFP-PNP sa karapatan ng mga Mindoreño, nagpapatuloy
July 31, 2021

Humahaba ang listahan ng mga krimen ng rehimeng Duterte laban sa mamamayang Mindoreño sa huling siklo ng focused military operations (FMO) at retooled community support program operations (RCSPO) ng 203rd Brigade at PNP-MIMAROPA. Sa Barangay Monte Claro, San Jose, Occidental Mindoro, pinaputukan ng 4th IB ang tatlong residente na nagtatrabaho sa kanilang palayan noong Hulyo […]

Kalatas July 2021 | Pasistang marines, inambus ng BHB Palawan
July 31, 2021

Inambus ng isang yunit ng Bienvenido Valleber Command (BVC)-BHB Palawan ang nag-ooperasyong tropa ng 3rd Marine Battalion Landing Team (MBLT) sa Sityo Kayasan, Barangay Nicanor Zabala, Roxas noong Hulyo 13, bandang alas-dose ng tanghali. Naglalakad ang isang platun ng berdugong Marines nang pasabugan sila ng dalawang command detonated explosives. Dahil sa labis na kahihiyan, itinago […]

Kalatas July 2021 | Barikada ng mamamayan, pinigilan ang demolisyon sa Cavite
July 31, 2021

Binigo ng nagbarikadang mga manininda at residente ng Brgy. Tartaria, Silang, Cavite ang iligal na demolisyon sa higit 100 bahay at mga tindahan sa kahabaan ng Santa Rosa-Tagaytay Road noong Hulyo 14. Walang ipinakitang court order para sa demolisyon ang 200-kataong demolition team na ipinadala ng nagpapalayas na pamilya Aguinaldo. Magiting na hinarap ng mga […]