Archive of Publications

Larab | July 3, 2021
July 03, 2021

Download here Waray: PDF Audio

Kalatas | June 2021
June 30, 2021

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Kalatas June 2021 | Editoryal: Biguin ang imbing pakana ni Duterte na palawigin ang kanyang diktadurang paghahari
June 30, 2021

Gaya ng kanyang iniidolong diktador na si Marcos, hinahangad ni Duterte na magtagal sa estado-poder at maghari lagpas sa kanyang termino. Tigas-mukha siyang nagluluto ng mga pakana upang makapanatili sa kapangyarihan at takasan ang kanyang mga krimen sa bayan. Higit lamang nitong itinutulak ang mamamayang Pilipino na ubos-kayang kumilos para hadlangan ang pananatili sa kapangyarihan […]

Kalatas June 2021 | Ika-5 taon ni Duterte sa poder, sinalubong ng protesta
June 30, 2021

Sinalubong ng mamamayan ng kilos-protesta ang ikalimang taon bilang pangulo ni Duterte noong Hunyo 30. Sa Timog Katagalugan, tumungo ang mga militanteng organisasyon sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) sa San Pedro, Laguna upang ipanawagan na wakasan ang limang taong tiraniya ng rehimeng Duterte. Sa pagkilos, iniladlad nila ang isang mural na nagpapakita […]

Kalatas June 2021 | Tunay na Ginto
June 30, 2021

Tunay na Ginto ni Ka Yael Ang tunay na ginto hindi natatakot idarang sa nagngangalit na apoy. Sa lumalagablab na pandayan ng makauring tunggalian: ang mamamayang lumalaban para sa karapatan ang hukbong sumusulong sa mga armadong labanan at lahat na mithi ay tunay na kalayaan at kapayapaan Taglay ang bagsik ng dakilang pagkakasubo; sila’y mas […]

Kalatas June 2021 | Wala akong ibang sadya
June 30, 2021

Wala akong ibang sadya ni Ka Yana Wala akong ibang sadya sa pakikibakang ginawa Kundi ang mapalaya ka, Ang makita kang maginhawa, at ligtas sa pagdurusa Kaming mga anak mo, laon nang binubusabos, dinarahas, At kaylangan kong may magawa, upang ang katarungan ay maihandog sa ‘yo, aking Ina Walang ibang sadya, panahon at buhay ko […]

Kalatas June 2021 | Ang mga dambuhalang Dam ni Duterte sa Quezon at Rizal, dambuhalang suliranin at pasanin ng mamamayan
June 30, 2021

May pandemya o wala, tuloy ang pagratsada ni Duterte sa mga proyektong New Centennial Water Source-Kaliwa Dam sa Quezon at Wawa-Violago Dam sa Rizal. Sa ngalan ng pagpapakatuta ni Duterte sa imperyalismong China, minamadali na ngayon ng rehimen ang pagtatayo ng Kaliwa Dam bago matapos ang kanyang termino sa 2022. Sa tuluyang pagtiklop ng rehimeng […]

Kalatas June 2021 | Tuluy-tuloy na tutulan ang pagtatayo ng Macalelon Dam
June 30, 2021

Patuloy na umaagos sa puso ng mamamayan ng Macalelon ang masidhing pagtutol sa dalawang proyektong dam ng reaksyunaryong gubyerno sa Brgy. Vista Hermosa at San Isidro — ang multi-purpose dam at ang kukumpunihing irrigation dam ng National Irrigation Administration (NIA). Makalipas ang isang dekada, hindi pa rin naglulubay ang kagustuhan ng mga taga-Macalelon na ipagtanggol […]

Kalatas June 2021 | Paano itinataguyod ng rebolusyonaryong kilusan ang karapatan ng mga may piniling kasarian?
June 30, 2021

“..Itataguyod ang karapatan ng mga lesbyana, bakla, bisekswal at transgender na ilahad ang kanilang identidad at susuportahan ang kanilang pakikibaka laban sa lahat ng anyo ng diskriminasyon”. — Makibaka para sa pambansang pagkakaisa at mga demokratikong karapatan (Ikatlong punto sa Programa ng PKP para sa pambansa- demokratikong rebolusyon) Taun-taon ay inilulunsad tuwing buwan ng Hunyo […]

Kalatas June 2021 | Tugon ni Patnubay de Guia: Ano ang tindig ng rebolusyonaryong kilusan sa pananakop ng China sa mga isla sa Spratly?
June 30, 2021

Kinukundena at tinututulan ng rebolusyonaryong kilusan ang pananakop ng China sa mga isla sa Spratly na saklaw ng ipinaglalabang teritoryo ng Pilipinas. Simula’t sapul, tutol ang PKP-BHB-NDFP sa dayuhang pangangamkam sa rekurso at patrimonyang yaman ng bansa tulad ng ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS). Mariin ding nilalabanan ng mamamayan ang iba pang […]