Di bababa sa tatlong komunidad ng maralita sa Tondo at Batangas ang dumanas ng panggigipit, panlilinlang at paninindak mula pangalawang linggo ng Marso. Ayon sa grupong Kadamay, dumating sa komunidad ng Hapilan at Aroma sa Barangay 105, Vitas, Tondo ang humigit-kumulang 90 sundalo ng 11th IB noong Marso 9. Nag-ikot sila para alamin ang kinaroroonan […]
Kinundena ng mga demokratikong organisasyon ang sapilitang pagpapatipon at “pagpapasuko” ng 80th IB at mga ahente ng National Task Force-Elcac noong Marso 12 sa mga residente ng 1K2 Kasiglahan Village, Montalban, Rizal. Ayon sa ulat ng Karapatan-Rizal, tinipon ng mga sundalo ang nasa 400-500 residente at sapilitang pinamirma ng “Katunayan ng Pagkakaisa” o katibayan na […]
Naglunsad ng protesta ang mga residente ng Maysapang, Barangay Ususan, Taguig City noong Pebrero 22 para tutulan ang bantang demolisyon sa komunidad. Ang naturang araw din ang huling araw na ipinataw ng R-II Builder at MGS Consortium upang “magself-demolish” ang mga residente o gibain ang sarili nilang mga bahay. Ang protesta ay nilahukan ng mga […]
Kinundena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang lungsod, ang pag-aresto ng mga pulis kay Melanie Sumayang, organisador ng Kadamay-Rizal, noong Disyembre 23 sa Barangay Mayamot, Antipolo, Rizal. Sinampahan siya ng dalawang bilang ng gawa-gawang kasong frustrated homicide. Ayon sa ulat ng kanyang kaanak, nagpanggap bilang empleyado ng Meralco ang pulis bago […]
Binatikos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) noong Oktubre 20 ang planong pagtataas ng singil sa tubig ng mga pribadong kumpanyang Manila Water at Maynilad. Ayon sa Bayan, ang pagtataas ng singil sa tubig ay para tiyakin ang kita ng mga pribadong kumpanya gamit ang mekanismong “rate rebasing.” Dagdag ng grupo, ang panukala ay nagaganap sa […]
Higit 250 indibidwal mula sa mga komunidad ng maralita sa Payatas, Holy Spirit, Tatalon, Commonwealth, Bagong Silangan at Don Mariano ang dumalo sa pagtitipon at asembleya ng pagtatatag sa Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan-National Capital Region (PLM-NCR) kahapon. Inilunsad ang asembleya sa Quezon City Circle. Sa asembleya, nag-ulat ng iba’t ibang balangay ng PLM ng kani-kanilang […]