Archive of Workers

Panggigipit sa manggagawang Korean, tumitindi
June 29, 2023

Nakiisa ang mga manggagawang Pilipino sa manggagawang Koreano sa kanilang laban sa tumitinding panunupil ng estadong Korean at di makataong kundisyon sa paggawa sa South Korea. Nakiisa sila, kasama ang International League of People’s Struggles, sa Korean Construction Workers Union (KCWU) at sa Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) sa pakikibaka ng mga ito sa […]

Busabos na kalagayan ng mga marino, binatikos
June 26, 2023

Ginunita kahapon ang International Day of Seafarers sa iba’t ibang panig ng mundo na nagtuon ng pansin sa labis na busabos na kalagayan ng mga marino o mga manggagawa sa mga barko at dagat. “Nanggagaling sa pinakamahihirap na bansa ang mga seafarer,” ayon sa grupong Migrante, sa isang pahayag ng pakikiisa. “Tumatanggap sila ng mabababang […]

Mga tsuper at opereytor, nagpiket sa LTFRB
June 22, 2023

Nagtungo ang maliliit na tsuper at opereytor ng dyip sa upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office sa Quezon City noong Lunes, Hunyo 19, upang muling igiit ang pagbabasura sa kontra-mahirap na Omnibus Franchising Guidelines na salalayan ng jeepney phaseout ng gubyerno. Inilabas ang naturang atas ng LTFRB noong 2017. Iginigiit […]

Unyon ng CENECO, magwewelga kontra pribatisasyon
June 21, 2023

Naghain ng Notice of Strike noong Hunyo 19 sa National Conciliation and Mediation Board ang CENECO Union of Rationale Employees (CURE) para labanan ang pagpapatupad ng pinirmahang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Prime Electric Holdings Inc at Central Negros Electric Cooperative (CENECO). Anila, isasapanganib ng kasunduang ito ang trabaho ng mga empleyado at […]

Pag-empleyo ng mga di pasadong nars, di angkop na solusyon
June 20, 2023

Binatikos ng Fiiipino Nurses United (FNU) ang pakana ng bagong kalihim ng Department of Health na si Teodoro Herbosa na mag-empleyo ng mga bagong gradweyt na nars na hindi nakapasa sa nursing board o pagsusulit para sa sertipikasyon ng mga nars. “Hindi ito angkop na solusyon sa kakulangan ng mga nars,” ayon sa FNU. “Ang […]

10 sinesante sa Wyeth-Nestle, napabalik ng unyon
June 19, 2023

Naigiit ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU) DFA-KMU ang pagbabalik sa di bababa sa 10 manggagawa na tinanggal ng kumpanya sa pangatlo at huling pakikipagnegosasyon nito sa maneydsment noong Hunyo 16 sa Calamba, Laguna. Mula ito sa panawagang ibalik ang 145 na manggagawa. Kabilang dito ang pangulo at apat na upisyal ng unyon. “Natira […]

Lider-unyonista ng Daiwa-Seiko Philippines, ginigipit habang papalapit ang negosasyon ng unyon
June 17, 2023

Muling pinuntahan at tinakot ng mga sundalo ang pangulo ng Malayang Unyon ng Daiwa-Seiko Philippines (MUDSP) na si Arvin Mendoza sa kanyang bahay noong Hunyo 10. Batid niya na ang panggigipit ay dahil sa nakatakdang negosasyon para sa collective bargaining agreement (CBA) ng unyon at maneydsment. Nagdulot ng pangamba ang bisita sa pamilya ni Mendoza. […]

Panghihimasok ng militar sa Gardenia at Philfoods, binatikos
June 17, 2023

Binatikos ng unyon ng mga manggagawa sa Gardenia Bakeries Phils at Philfoods Fresh Baked Products ang panghihimasok ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pahintulot ng mga kapitalista ng dalawang kumpanya, sa mga planta at internal na usaping pang-manggagawa ng mga ito. Naghain ng reklamo ang Unyon ng mga Panadero sa Gardenia Bakeries Phils […]

Kaso laban sa tatlong nagwelgang tsuper, ibinasura
June 13, 2023

Ibinasura ng Muntinlupa Municipal Trial Court ang kasong isinampa laban sa tatlong tsuper na nagpiket sa kasagsagan ng transport strike na isinagawa noong Marso 7. Ibinalita ito ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston). Anila, ibinasura ang kaso matapos paulit-ulit na hindi sumipot sa mga pagdinig ang mga nagsampa. Ang tatlong […]

₱225 dagdag sahod sa Allgemeine Bau-Chemie Phil, nakamit ng unyon
June 13, 2023

Naiigiit ng unyon ng mga manggagawa sa Allgemeine Bau-Chemie (ABC) Philippines ang kabuuang ₱225 na dagdag-sahod sa pakikipagpanegosasyon ng kanilang unyon (ABC Labor Union) para sa kanilang collective bargaining agreement noong nakaraang linggo. Ang ABC-Philippines ay isang kumpanyang sosyohan ng Pilipino at Austrian na gumagawa ng mga materyal pangkonstruksyon. Bukod dito, makatatamasa ang mga manggagawa […]