Archive of Fascism

Kaso sa 2 aktibista sa Maynila, ibinasura
November 24, 2021

Ibinasura ngayong araw, Nobyembre 24, ang gawa-gawang kaso ng illegal possesion firearms and explosives laban sa mag-asawang aktibista na dinakip sa Metro Manila noong 2019. Ipinawalambisa ng Manila Regional Trial Court Branch 19 ang mga kasong kinakaharap ni Cora Agovida, tagapagsalita ng Gabriela sa Metro Manila at Michael Bartolome, organisador ng grupong Kadamay. Iligal na […]

Ilang beses ba pupwersahing "sumuko" ang mga sibilyan sa Sorsogon?
November 23, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Suyang-suya at napapagod na ang mga mamamayang Sorsoganon sa paulit-ulit na “pagpapasurender” o pagpapasumpa sa kanila ng 31st IBPA. Ito ang reklamo ng mga sibilyang makalawang beses nang pinasurender ng AFP nitong mga nagdaang buwan. Naglunsad ng tinaguriang Serbisyo Caravan at RCSP sa Brgy. San Jose at Brgy. San isidro sa bayan ng Bulusan at […]

Matatanda at may sakit na mga aktibista at organisador ng magsasaka, inaresto sa Bulacan
November 21, 2021

Limang aktibista at organisador ng mga magsasaka — apat ay matatanda na at isang maysakit — ang sabay-sabay na inaresto ng mga pulis at sundalo noong madaling araw ng Nobyembre 16. Ang pananalakay at pagtatanim ng ebidensya sa tinutuluyan nilang mga bahay ay hindi kaiba sa manera ng iligal na pang-aaresto at pagsasampa ng gawa-gawang […]

Hustisya para sa mga biktima ng pamamaril ng 59th IB
November 18, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Nananawagan ang Apolonio Mendoza Command ng New People’s Army Quezon ng hustisya at kompensasyon sa mag-asawang naging biktima ng walang habas na pamumutok o indiscriminate firing ng mga sundalo ng 59th IBPA noong gabi ng Nobyembre 15, 2021. Muntik nang ikamatay ng mag-asawang Rodel Llames at Jenna Oreviana ng Sityo Maliit ng Balotinao, Barangay San […]

May kanser na bilanggong pulitikal, namatay sa Palawan
November 18, 2021

Namatay kahapon, Nobyembre 18, si Antonio Molina, isang magsasakang aktibista na ikinulong sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives. Kasama siya sa anim na iba pang dinakip noong Oktubre 2019. Si Molina, 67, ay may sakit na kanser sa tiyan. Makailang beses nang hiniling ng kanyang kapamilya at abugado na palayain siya sa […]

Isang Katutubong Buhid, Nagpakamatay dahil sa FMO-RCSPO!
November 16, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Noong ika-11 ng Oktubre, isang katutubong Buhid ang nagpakamatay sa Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro dahil sa dinanas nitong malalang takot bunga ng paulit-ulit na interogasyon, pagbabanta, panggigipit na isinagawa laban sa kanya ng mga pwersang RCSP ng 203rd Brigade, Philippine Army. Ito ang tampok na pinakabagong biktima ng panibagong bugso ng Focused Military Operation […]

Bundok at bukid sa Quezon, binomba
November 16, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Apat na araw nang binobomba at iniistraping ng pinagsanib na pwersa ng 59th IBPA at 85th IBPA ang mga kabundukan at bukid sa mga bayan ng Lopez, Gumaca, Pitogo at Macalelon. Ayon sa nakuhang ulat, mula Nobyembre 12 ng gabi bago pa ang engkwentrong labanan ng NPA at 85th IBPA sa Barangay Gitnang Barrio, may […]

Pambobomba at mga pagpaslang, iniulat ng BHB-Leyte
November 16, 2021

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan-Leyte (Mount Amandewin Command)  noong Nobyembre 15 ang mga paglabag sa karapatang-tao ng mga tropa ng AFP sa prubinsya noong Agosto-Setyembre. Teror sa pambobomba. Tatlong bomba ang inihulog ng FA-50 fighter jet ng AFP sa bukirin ng Sityo Quarry, Abuyog noong Septyembre 29 bandang alas-3 ng madaling araw. Nagdulot ito ng sindak […]

Organisador ng magsasaka sa Central Luzon, dinukot
November 13, 2021

Dinukot noong Nobyembre 6 ng mga ahente ng estado si Steve Abua, organisador ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Central Luzon sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga. Nasa biyahe noon si Abua papuntang Bataan para sa isang pulong. Ayon sa kanyang asawa na si Johanna Abua, ilang oras mula nang dukutin si Steve ay nakatanggap sila ng mensahe […]

Rejoinder: Fake Covid-19 results and other AFP lies to cover up murder of Ka Oris
November 13, 2021 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Fifteen days have passed since the October 29 murder of Ka Oris (Jorge Madlos), former spokesman of the New People’s Army (NPA), and his aide NPA medic Eighfel Dela Peña (Ka Pika) by the fascist butchers of the Armed Forces of the Philippines (AFP). For more than two weeks, we have seen and heard nothing […]