Archive of Peasant struggles

2-dekadang desaparasidong mga organisador, patuloy na hinahanap
February 11, 2022

Patuloy ang paghahanap ng mga kamag-anak, mga kapwa organisador, aktibista at tagasuporta kina Honor Ayroso at Johnny Orcino, mga aktibista at dating bilanggong pulitikal na dinukot ng mga militar noong Pebrero 9, 2002. Dinukot sina Ayroso at Orcino sa Encarnacion Subdivision, Barangay Sto. Niño 1st, San Jose City, Nueva Ecija ng mga armadong lalaki na […]

Solano 3 lumaya na, kasong illegal possession of explosives ibinasura
January 21, 2022

Isa pang gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms and explosives ang ibinasura ng korte nitong buwan. Ipinag-utos noong Enero 3 ng RTC Branch 27 Bayombong, Nueva Vizcaya ang gawa-gawang kaso laban sa mga aktibista at magsasakang sina Francis Esponilla, Romar Busania at Michael Gatchalian. Arbitraryong inaresto ang tatlo sa isang tsekpoynt noong Mayo 2015 […]

Tutulan ang marahas na pagsagasa ng Build, Build, Build sa buhay at kabuhayan ng mga Bikolano!
January 19, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Nananawagan ang NDF-Bikol sa mga Bikolano sa lahat ng anim na prubinsya na maghanda at paigtingin ang pakikibaka upang ipagtanggol ang kanilang buhay at kabuhayan. Pinaarangkada na ng rehimeng US-Duterte ang huling hirit nito sa pagpapatupad ng mga neoliberal na mga programa at proyekto sa rehiyon ng Bikol. Tiyak na sa ngalan nito, ubos kayang […]

Marahas na demolisyon sa Cavite, mariing kinundena
January 15, 2022

Mariing kinundena ng Pamalakaya, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Bayan Muna Partylist ang marahas na demolisyon sa isang komunidad ng mga mangingisda at magsasaka sa Cavite noong umaga ng Enero 13. Hindi ito ang unang pagkakataon na sinubukang pasukin at idemolis ang kanilang komunidad. Pinaputukan ng mga pulis at ng gwardya ang nagpuprotestang mga residente […]

Ismagling ng mga produktong agrikultural, iniimbestigahan sa Senado
December 14, 2021

Umaabot sa ₱1 bilyong halaga ng mga produktong agrikultural ang iligal na ipinuslit sa bansa mula Mayo hanggang Nobyembre ngayong taon. Ito ang taya ng pananaliksik ng upisina ni Sen. Francis Pangilinan. Ngayong araw, Disyembre 14, sinimulan na sa Senado ang imbestigayon kaugnay nito. Nakapagtala ang pananaliksik ng upisina ng senador ng 25 operasyon ng ismagling […]

World Food Day pero maraming walang makain
October 18, 2021

Nagprotesta ang mga magsasaka sa pangunguna ng Amihan National Federation of Peasant Women, Pamalakaya at Bantay Bigas noong Oktubre 16 sa harap ng Mega Q-Mart sa Quezon City bilang paggunita sa World Food Day na kanilang binansagang World Hunger Day (Araw ng Kagutuman). Ang naturang pagkilos ay bahagi ng “World Hunger Day Global Action,” isang […]

Lupa ng mga magsasaka sa Cebu, 30 taong hinintay
October 15, 2021

Matapos ang higit 30 taong pakikibaka para igiit ang kanilanng karapatan sa lupa, nakamit rin ng 60 magsasaka sa Cebu ang kanilang titulo sa lupa. Ang mga magsasaka ay kasapi ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Cadulawan Vito Camarin (NAMACAVIC) sa Minglanilla, Cebu. Ibinigay ang kani-kanilang mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA) noong Oktubre 14. Katuwang […]

Cordillera, lugi sa pagbaha ng kontrabandong gulay
October 09, 2021

Doble ang pagkalugi ng mga magsasaka ng gulay sa Cordillera dahil sa ismagling ng gulay sa bansa. Ito ay ayon sa Alyansa dagiti Pesante iti Taéng Kordilyera (Apit Tako), panrehiyong balangay ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa Cordillera. Dagdag pahirap ito sa mahina na nilang kita dulot ng mga pagbabawal at paghihigpit na ipinataw sa […]

Lupa, di pabahay, ang kailangan ng mga magsasaka
October 05, 2021

“Real estate o agrarian ba ang trabaho ng DAR (Department of Agrarian Reform)?” ang tanong ng isang magsasakang inagawan ng pamilyang Villar ng lupa para  tayuan ng low-cost housing sa Bulacan. Ito ay matapos ianunsyo ng ahensya ang pamamahagi ng mga bahay sa 600,000 magsasaka noong Setyembre 26. Sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) […]

Mga magbababoy, nalulunod sa baha ng imported baboy
October 03, 2021

Patuloy na bumabagsak ang kita ng mga magbababoy dulot ng todong pag-aangkat ng karneng baboy ng rehimeng Duterte. Ayon sa isang grupo ng mga magbababoy, bumagsak nang 25% hanggang 35% ang presyo sa pagbili mula sa mga magbababoy sa nakalipas na apat na linggo. Ito ay habang patuloy na tumataas ang gastos sa pag-aalaga. Ayon […]