Archive of Peasant struggles

Mga manggagawa ng asukarera sa Batangas, nagpiket
February 28, 2023

Naglunsad ng piket ang mga manggagawang kasapi ng Batangas Labor Union at Central Azucarera Don Pedro Professional Technical Monthly Paid Workers Union Inc. sa harap ng ilohan ng Central Azucarera Don Pedro sa Nasugbu, Batangas kahapon. Inihayag nila ang mga isyu ng pakikialam ng maneydsment sa unyon, intimidasyon at panggigipit laban sa unyon at mga […]

Coco levy fund, ibalik sa magsasaka! Enrile at mga kroni, panagutin sa pandarambong sa mga magsasaka!
February 26, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pagbabasura ng first division ng Supreme Court (SC) sa kasong graft kaugnay ng coco levy fund (CLF) na nakasampa laban kay Juan Ponce Enrile. Pinasisidhi nito ang kawalang katarungan para sa mga magsasaka sa niyugan na pinagnakawan ng diktadurang US-Marcos at kanyang mga kroni kabilang si Enrile. Sa paggulong ng […]

Hybrid Seeds Program ni Marcos, itinakwil ng mga magsasaka
February 18, 2023

Tinawag ng mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na “walang alam sa pagsasaka” at “manhid” si Ferdinand Marcos Jr matapos imungkahi nitong tamnan ng binhing hybrid ang may 1.9 milyong ektaryang palayan sa susunod na apat na taon. Target itong ipatupad sa Panay, Eastern Visayas, SOCCSKARGEN at BARMM. “Katulad lamang itong hybrid […]

Pagbasura ng Korte Suprema sa kasong graft ni Enrile, binatikos ng mga magniniyog
February 18, 2023

Labis na nadismaya ang mga magniniyog sa pagbasura ng Korte Suprema sa kasong graft na isinampa laban kay Juan Ponce Enrile noon pang 1990. Ang desisyon ng korte na may petsang Enero 16 ay inilabas noong Pebrero 8. Kaugnay ito ng paglulustay ng milyun-milyong pondo sa coco levy habang nanunungkulan si Enrile sa pamunuan ng […]

Pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro Inc sa Batangas, pinaiimbestigahan
February 18, 2023

Pinaiimbestigahan ng mga manggagawa ng Central Azucarera de Don Pedro Inc. (CADPI) at manggagawang bukid sa Batangas ang pagsasara ng asukarera ngayong taon. Pormal silang naghain ng resolusyon, kasama ang blokeng Makabayan, sa House of Representatives noong Pebrero 15 para paimbestigahan ang biglaang pagpapasara dito ng Roxas Holdings Inc. Kinapanayam din nila ang ibang kinatawan […]

Batas sa liberalisasyon ng bigas, pasakit sa magsasaka
February 16, 2023

Nagprotesta ang mga magsasaka at iba pang demokratikong grupo mula Metro Manila, Rizal, Laguna, Batangas at Cavite sa Department of Agriculture sa Quezon City noong Pebrero 14, ika-apat na anibersaryo ng pasasabatas sa pasakit na Rice Liberalization Law. Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas ang […]

Lupa ng mga magsasaka ng Tinang sa Tarlac, ipinangakong ibibigay na
February 08, 2023

Nakakuha ng pangako noong Lunes, Pebrero 7, ang mga magsasaka sa Tinang, Concepcion, Tarlac na igagawad na sa kanila ang lupang sinasaka nila sa loob ng 45 na araw. Sa ulat ng Pokus Gitnang Luzon Multimedia Network, ginawa ang pangako ng kalihim ng Department of Agrarian Refrom na si Conrado Estrella sa isang dayalogo na […]

Ilinilibing nang buhay ng rehimeng Marcos Jr. ang mga magsasaka
January 25, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Ang kontra-mamamayang patakaran sa importasyon ng mga agrikultural na produktong ipinagpapatuloy at pinasasahol ng rehimeng Marcos Jr. ang isa sa pinakamalalaking dahilang pumipinsala sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka at lokal na prodyuser. Ilinilibing nila nang buhay ang mga magsasakang Pilipino at mga pamilya ng mga ito. Habang ang panawagan ng sektor ng […]

Marcos Jr. buries the entire peasantry alive
January 25, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

The anti-people policy of importation of agricultural products that the Marcos Jr. regime sustains and worsens stands as one of the biggest reasons behind the devastation of lives and livelihood of Filipino farmers and local producers. They have been burying the Filipino peasantry and their families alive. While the agricultural sector demands the firming up […]

Magsasakang Palaweño, ipaglaban ang lupa at pangangalaga sa kalikasan!
January 22, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Sa paggunita sa ika-36 taon ng masaker sa mapayapang pagkilos ng mga magsasaka sa Mendiola, at sa gitna ng pagkawasak ng malalawak na taniman sa timog Palawan, dapat magbigkis ang mga magsasakang Palaweño para labanan ang lahat ng proyektong nangwawasak sa kanilang kabuhayan at kapaligiran. Hindi pa ganap na nakakabawi sa pinsala ng bagyong Odette […]