Archive of Politics and Socioeconomic conditions

Pagpaparehistro ng SIM card, labag sa pribasiya at dagdag na instrumento ng paniktik ng estado
December 12, 2021

Itinuturing ni Rep. Carlos Zarate, kinatawan ng Bayan Muna sa Kongreso, ang kapapasa lamang sa Kongreso na House Bill 5793 o SIM Card Registration Act na “labag sa ‘right to privacy’ ng mamamayang Pilipino.” Sa ilalim nito, madaling makuha ng estado ang akses at datos ng isang SIM card na daluyan ng pribadong komunikasyon sa pagitan […]

Monopolyong mga kumpanya sa parmasyutika, tumabo ng ₱515 bilyon sa balita ng bagong baryant ng Covid-19
December 09, 2021

Tumataginting na $10.31 bilyon (₱515.5 bilyon sa palitang $1=₱50) ang kinita ng Pfizer/BioNTech at Moderna mula sa kanilang mga sapi matapos lumabas ang balita noong huling linggo ng Nobyembre ng paglitaw at pagkalat ng bagong baryant ng Covid-19 na Omicron na ipinagpalagay na mas nakahahawa kumpara sa mga naunang baryant. Iniulat noong unang linggo ng […]

Pilipinas, magiging katulad din sa Myanmar?
November 30, 2021

Hindi malayong sasapitin ng ating bansa ang kalagayang nararanasan ngayon ng bansang Myanmar kung hayaang mangingibabaw ang kapangyarihan ng militar sa kapangyarihan ng sibilyan sa pamamalakad ng ating bansa. Ito ang komentaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pinakahuling pahayag ni Vice President Leni Robredo na lubusang baligtad sa nauna niyang deklarasyong buwagin ang […]

Importasyon ng galunggong, di nagpababa sa presyo
November 28, 2021

Hindi bumababa ang presyo ng galunggong sa merkado kahit pa labis-labis ang inangkat sa nagdaang mga buwan. Ayon sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council at Navotas Fishing Operators, nasa 30,000 metriko tonelada lamang ang tinatayang kulang sa suplay ng galunggong sa huling kwarto ng taon. Sa gayon, doble-doble ang pinayagan ng DA na […]

Leni, yumuko nga ba sa militar?
November 28, 2021

Ikinadismaya ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at iba pang grupo ang pagbawi ni Vice President Leni Robredo sa nauna niyang pahayag na sang-ayon siyang buwagin ang National Task Force (NTF)-Elcac. Nagdeklara ng suporta si Robredo sa “mandato at tungkulin” ng NTF-Elcac matapos makipagpulong sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Nobyembre […]

Imbestigasyon ng ICC, idinidiin ang pagiging mamamatay-tao ni Duterte!
November 20, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ngayong nakasalang ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen ni Rodrigo Duterte laban sa sangkatauhan, nauungkat ang mga ebidensya ng talamak na ekstrahudisyal na pamamaslang (EJK) sa kumpas ng tirano hindi lamang bilang pangulo ng GRP kundi maging noong siya’y alkalde pa ng lungsod ng Davao. Lalong idinidiin ng mga nabubunyag na […]

Buwagin ang sugapa-sa-pera at pasistang NTF-ELCAC!
November 20, 2021 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Muling nananawagan ang Melito Glor Command-NPA ST sa mga tunay na lingkod bayan na sundin ang hiling ng taumbayan at ganap nang buwagin ang sugapa-sa-pera at pasistang NTF-ELCAC. Positibong hakbangin ang ginawa ng Committee on Finance ng Senado na bawasan ng P24 bilyon ang panukalang badyet ng NTF-ELCAC tungong P4 na bilyon lamang para sa […]

Pangatlong kaso para idiskwalipika si Marcos Jr, inihapag sa Comelec
November 17, 2021

Inihapag ngayong araw ng mga biktima ng batas militar ang pangatlong petisyon para ipadiskwalipika si Ferdinand Marcos Jr. sa pagtakbo bilang presidente at sa anupamang pusisyon sa gubyerno sa hinaharap. Ang petisyon ay inihapag ng mga kasapi ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law o CARMMA. Nakapirma rito sina Satur Ocampo, […]

Pagkandidato ni Duterte sa Senado, kinutya ng mga demokratikong grupo
November 16, 2021

“Dagang nasusukol” ang paglalarawan ni Arlene Brosas, kinatawan ng Gabriela Partylist, sa biglang paghapag ni Rodrigo Duterte ng kandidatura pagkasenador noong hapon ng Nobyembre 15. Isa itong “desperadong tangka” para makaiwas sa mga kasong kriminal na naghihintay sa kanya pagkatapos ng kanyang termino. TInawag din ng grupong Karapatan ang kandidatura ni Duterte bilang pagtatangka na […]

"Malaking ginhawa" ang hindi pagkakahalal ni Roque sa ILC
November 13, 2021

Tinawag na “isang malaking ginhawa” ng unyon ng mga Pilipinong abugado ang hindi pagkakahalal sa tagapagsalita ni Rodrigo Duterte na si Harry Roque sa International Law Commission (ILC) noong Sabado. Sa isang pahayag, binati ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang “botong klarong pagtatakwil kay Roque” ng United Nations (UN) “sa harap ng malalakas […]