Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
₱9.4-bilyon mga anomalya sa AFP at PNP, binatikos
Binatikos ng Partido ang mga anomalyang nagkakahalagang ₱9.4 bilyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Kaugnay ito ng pondong inilabas para sa mga kontrata, proyekto at gastusing hindi natuloy. Nalantad sa taunang ulat ng Commission on Audit (COA) na mayroong 41 proyekto ang AFP at PNP na nagkakahalaga ng […]
Banta sa Liguasan Marsh
Tampok sa balita noong nakaraang linggo ang planong muling simulan ang eksplorasyon at pagmimina sa tinaguriang Block 10 ng Cotabato Basin sa Liguasan Marsh at tinaguriang Basin Block 6 sa Sulu Sea. Ito ay matapos pahintulutan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na isagawa ito ng kumpanyang ESMaulana Global Ventures Company Inc. Layunin […]
"Teroristang" designasyon sa NDFP, binatikos
Binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas ang designasyon o pagbansag ng Anti-Terrorism Council sa National Democratic Front of the Philippines bilang “terorista.” Isinapubliko ang deklarasyon noong Hulyo 19 pero noong Hunyo 23 pa ito pinirmahan. Kaugnay nito, inatasan na ng rehimen ang Anti-Money Laundering Council na simulan ang pag-freeze sa mga akawnt ng mga indibidwal, […]
Sa madaling salita
174-ektaryang reklamasyon sa Dumaguete, tinutulan
Tinutulan ng mga siyentista, kabataan, relihiyoso at residente ng Dumaguete City ang plano ng lokal na gubyerno rito na tambakan ng lupa o i-reclaim ang baybayin ng syudad para magtayo ng isang islang tinagurian nitong “Smart City.” Ayon sa mga nagpuprotesta, maapektuhan ng 174-ektaryang reklamasyon ang apat na Marine Protected Area na nagsisilbing tirahan ng […]