Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mga sundalo at empleyado, ginawang mga troll
July 21, 2021

Upang lumikha ng huwad na larawan ng suporta para sa rehimeng Duterte, ginagamit ng mga upisyal ng gubyerno at militar ang kanilang mga tauhan bilang mga troll sa social media upang magpalaganap ng mga kasinungalingan at panlilinlang. Lalo itong napatunayan kamakailan nang malantad ang kalakaran sa loob ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) at sa […]

Bilanggong pulitikal, namatay sa India
July 21, 2021

Pinagpupugayan ng Communist Party of India (CPI)-Maoist si Father Stan Slas Lurd Swamy matapos pumanaw noong Hulyo 5 sa edad na 84. Namatay si Fr. Swamy sa atake sa puso nang hindi payagang magpyansa sa kabila ng katandaan, sakit na Parkinson at Covid-19. Si Fr. Swamy ay tagasuporta ng minoryang mamamayan at kanilang pakikibaka sa […]

Krisis at ribalan sa industriya ng semiconductor
July 21, 2021

Nag-uunahan ngayon ang US at ang China sa bagong pamumuhunan para manguna at maging dominante sa industriya ng semiconductor. Sa kasalukuyan, kapwa kulang ang dalawang pangunahing imperyalistang bansa sa produksyon ng semiconductor at nakasalalay sa pag-iimport pangunahin mula sa Taiwan at Japan. Batid ang lumalaking halaga ng mga semiconductor, itinutulak nila ngayon ang “in-sourcing” (kabaligtaran […]

Paggunita sa ika-100 taon ng dating dakilang Partido Komunista ng China
July 21, 2021

Ngayong buwan ng Hulyo, ginugunita ng pandaigdigang kilusang proletaryo ang ika-100 taon ng noo’y dakila at wastong Communist Party of China (CPC o Partido Komunista ng China). Bagaman patuloy na nananatili sa poder ang CPC, ito ngayon ay hawak at pinamumunuan ng monopolyong kapitalista sa estado at malaking burgesya sa China. Sa pahayag noong Hulyo […]

Magkakasunod na kasinungalingan ng 9th IDPA at RTF-ELCAC sa Camarines Sur at Masbate
July 21, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Iwinawasiwas ng 9th IDPA at Regional Task Force End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa mga balita ng Bombo Radyo ang kainutilan ng rehimeng US-Duterte sa pagharap sa armadong pag-aaklas ng mamamayan. Nitong mga nagdaang araw, walang pag-aatubiling ilinabas ng 9th IDPA ang mga pekeng balita ng engkwentro sa Bongalon, Sagñay, Camarines Sur at pagsurender […]