Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ibayong palakasin ang armadong rebolusyon sa prubinsya ng Bohol
Read in: Bisaya Mainit at mapulang saludo sa lahat ng mga rebolusyonaryong martir na magigiting na nag-alay ng kanilang buhay, gayundin sa anakpawis at mamamayang Pilipino na nakikibaka para sa hangaring palayain ang ating bansa mula sa pang-aalipin ng dayuhang mga kapitalista gaya ng US, China at iba pa. Ngayong araw, masigasig na ipinagdiriwang ng […]
Bukas na Liham ng Kabataang Makabayan- Ilocos para sa Ika-52 Taon Anibersaryo ng NPA
Minamahal naming mga kasama sa New People’s Army, Pulang saludo at pagbati sa inyong lahat! Kaisa nyo kami sa pagdiriwang ng ika-52 taong anibersaryong pagkakatatag ng NPA ngayong araw. Lubos ang aming kagalakan at paghanga sa inyong mga pagsisikap na ipagtanggol kaming mamamayan at isulong ang demokratikong rebolusyong bayan sa harapan ng uhaw-sa-dugong halimaw na […]
Mensahe ng Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan sa Ika-52 Anibersaryo ng New People’s Army
Nagpupugay ang Partido sa Timog Katagalugan sa lahat ng mga Pulang kumander at mandirigma sa okasyon ng ika-52 Anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Pinupuri ng Partido ang kanilang matibay na determinasyon, katapangan at dedikasyon na taos-pusong paglingkuran ang sambayanang Pilipino at isulong hanggang sa tagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon ng bayan sa Pilipinas. Pinararangalan ng Partido ang NPA dahil sa ipinapamalas na kabayanihan, katatagan at diwang walang-takot sa pagbigo sa maruming gera at terorismo na pinakakawalan ng rehimeng US-Duterte at mga utusang aso sa AFP at PNP laban sa sambayanang Pilipino.
Kamtin ang malalaking pagsulong ng digmang bayan
Ipinaaabot ng Komiteng Rehiyon sa Cagayan Valley ng Partido Komunista ng Pilipinas ang Pulang pagsaludo sa mga yunit, opisyal at kawal sa ilalim ng pangrehiyong pamatnugutan sa operasyon (Fortunato Camus Command) ng Bagong Hukbong Bayan sa Cagayan Valley, at gayundin sa lahat ng mga kumander at mandirigma ng BHB sa buong bansa sa pagdiriwang sa ika-52 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Binabati namin kayo sa inyong kabayanihan at katatagan sa pagpapatupad sa mga rebolusyonaryong tungkulin sa buhay-at-kamatayang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at tunay na demokrasya.
Itaas ang antas ng ating pakikibaka sa ika-52 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Nagpupugay ang Santos Binamera Command NPA – Albay (SBC-BHB Albay) sa lahat ng magigiting na Pulang mandirigma at mahuhusay na mga kumander ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong kapuluan. Taas-kamaong pinagpupugayan din natin ang mga kasamang martir na nauna nang nagbuwis ng kanilang buhay bilang pinakamataas na sakripisyong kanilang inialay alang-alang sa sambayanang Pilipino. […]