Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pinakamataas na Pulang pagpupugay kay Kasamang Ferdinand "Ka Islaw" Poblacion Jr: Makabayang Guro, Artista, at Mabuting Anak ng Bayan.
March 29, 2021

Artikulo mula sa Kalayaan-Gitnang Luzon Special Issue, March 2021 Download full issue here: PDF Pinagpupugayan ng Kabataang Makabayan – Gitnang Luson ang makabuluhang buhay na inalay ni Kasamang Ferdinand “Ka Islaw” Poblacion, Jr. para sa pagsusulong ng digmang bayan sa rehiyon. Inalay niya ang sikhay ng kanyang kabataan sa pagpapalakas ng kilusang masa sa urban, […]

Pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Rommel "Ka David" Tucay: Anak ng Bayan. Matapang na Pulang Kumander.
March 29, 2021

Artikulo mula sa Kalayaan-Gitnang Luzon Special Issue, March 2021 Download full issue here: PDF Pinakamataas na pulang pagpupugay ang iginagawad ng Kabataang Makabayan-Gitnang Luson kay kasamang Rommel “Ka David” Tucay, mahusay na kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at pulang kumander ng Bagong Hukbong Bayan sa rehiyon, para sa kanyang hindi matatawaran at puspusang pag-aalay […]

Editoryal | Ipagbunyi ang anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Sulong para sa higit pang mga tagumpay sa kabila ng pasismo ng estado! Kabataan, tumungo sa kanayunan, sumapi sa BHB!
March 29, 2021

Artikulo mula sa Kalayaan-Gitnang Luzon Special Issue, March 2021 Download full issue here: PDF Pinakamataas na pagpupugay sa ika-52 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Sa gitna ng paghahasik ng pasismo ng rehimeng US-Duterte, sumusulong ang digmang bayan sa malawak na kapatagan at mga kabundukan ng Gitnang Luson kaya’t signipikanteng ipagbunyi ang mga tagumpay na […]

Intel operative ng 31st IB, patay sa operasyon ng NPA
March 28, 2021 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Napatay sa operasyong partisano ng NPA ngayong araw si Raymundo Fombuena alyas Kaday sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon. Isa siyang lokal na maton at elemento ng CAFGU na aktibo sa mga operasyong paniktik ng 31st IB laban sa rebolusyonaryong kilusan. Mula pa noong 2018, naging masugid si Kaday sa pagmomonitor sa kilos at presensya […]

NDF-Bicol sa pagbibigay katwiran ng PNP sa lohikang tokhang
March 28, 2021 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Hindi kailanman uubra sa mamamayan ang pakana ng PNP na paratangang mga latak ng lipunan ang mga biktima nila sa madugong gera kontra droga. Matapos ang halos limang taong pagpapatupad nito sa ilalim ng rehimeng US-Duterte at puu-puong libong pinaslang sa ngalan nito, mulat na ang mamamayang pawang shortcut ang lohikang ‘nanlaban’ para takasan ng […]