Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Gawaing rekoberi sa gitna ng Covid-19 at atake ng kaaway
March 07, 2021

Sa gitna ng masinsing pakat ng kaaway at walang-tigil na nakapokus na operasyong militar sa isang larangang gerilya sa Timog Katagalugan, nakapagpunyagi ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) na maglunsad ng gawaing rekoberi sa Maro. Halos isang dekadang naiwan ng mga kasama ang Maro. Sa Maro ipinundar ang unang binhi ng rebolusyon sa lugar. Nakapagpalitaw rito […]

PNP, inambus ng BHB-Sorsogon
March 07, 2021

Tatlong pulis ang sugatan sa ginawang ambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon sa Barangay Putiao, Pilar noong Pebrero 22. Isa dito si MSgt. Osmer Edwin Apa. Ang aksyong ito ay tugon ng BHB sa mga krimen ng PNP sa masang Sorsoganon. Tampok dito ang pagmasaker sa limang magsasaka sa Dolos, Bulan noong nakaraang taon at […]

BHB-EV, tiwalang mabibigo ang dedlayn ng AFP sa Samar
March 07, 2021

Tiwala ang Bagong Hukbong Bayan-Eastern Visayas (BHB-EV) na muling mabibigo ang panibagong dedlayn ng 8th ID na “durugin” ang tatlong larangang gerilya sa rehiyon sa ikalawang kwarto ng 2021, at ang ika-apat bago magtapos ang termino ni Rodrigo Duterte. Sa ulat nito ngayong buwan, sinabi ng BHB-EV na umaabot na sa 18 batalyong pangkombat ng […]

Crackdown sa Southern Tagalog: 5 patay, 8 inaresto
March 07, 2021

Lima ang pinatay at walo ang inaresto sa ala-Tokhang na mga operasyon ng pulisya at militar sa Southern Tagalog simula Marso 4. Madaling araw isinagawa ang mga operasyong ito. Pinaslang ng mga pulis si Emmanuel Asuncion, lider ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Cavite sa hedkwarters ng mga manggagawa na kanyang tinutuluyan sa Dasmariñas, Cavite noong Marso […]

Atake sa mga tagapagtanggol ng mga Tumandok
March 07, 2021

Brutal na inatake ng mga ahente ng estado ang dalawang tagapagtanggol ng mga Tumandok noong nakaraang linggo. Binaril at napatay ng nagpakilalang mga pulis noong Pebrero 28 si Julie Catamin sa Malitbog, Tapaz, Capiz. Si Catamin ay kapitan ng Barangay Roosevelt sa parehong bayan. Ibinunyag ni Catamin na tinamnan ng mga armas at eksplosibo ang […]