Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pag-aalangan sa pagpapabakuna
March 07, 2021

Laganap sa buong mundo ang pag-aalangan at kawalang-tiwala sa mga bakuna laban Covid-19. Idinulot ito ng mga pagdududa sa pangkalahatang kaligtasan, kahalagahan at bisa sa mga bakuna sa nakaraang mga taon. Sa maraming lugar, nakaugat sa kasaysayan ang pagdadalawang-isip ng mamamayan sa mga bakuna. Sa US, halimbawa, mas maraming Itim at Hispanic ang walang tiwala […]

Mga protesta
March 07, 2021

EDSA 35. Higit 500 ang nagtipon sa harap ng Camp Aguinaldo sa Cubao, Quezon City noong Pebrero 25 para gunitain ang ika-35 anibersaryo ng pag-aalsang EDSA. Pinangunahan ito ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at mga organisasyong pambansa-demokratiko. Inilunsad din ang mga protesta sa Laguna, Angeles City, Baguio City, at Naga City. BakwitSchool7. Nagprotesta ang mga […]

3.5 milyong kababaihan, nawalan ng katiyakan sa ekonomya dulot ng lockdown
March 07, 2021

Sa loob ng isang taong lockdown ng rehimeng Duterte, nadagdagan ng 3.5 milyon ang bilang ng mga kababaihang “walang katiyakan sa ekonomya.” Mula 16 milyon noong 2019, 19.54 milyon na sila sa 2020. Pinakaapektado ang mga magsasaka at manggagawang kababaihan na nalugi sa napakababang presyo ng kanilang mga produkto at malawakang pagsasara ng maliliit na […]

Bilyun-bilyong kita ng mga telco sa gitna ng pandemya at mabagal na serbisyo
March 07, 2021

Bilyun-bilyon ang kinita ng dalawang kumpanya sa telekomunikasyon (telco) dulot ng lockdown na nagpwersa sa mayorya ng populasyon na umasa sa mahina, mabagal at putol-putol na serbisyo nito. Pinakamalaki ang itinaas sa bilang ng mga subscriber o kumuha ng serbisyong home broadband dahil rekisito ito sa mga kaayusang work-from-home at online class. Ayon sa isang […]

Imperyalistang pamumulitika ni Biden sa Middle East
March 07, 2021

Umani ng malawakang pagbatikos ang imperyalistang maniobra ni US Pres. Joseph Biden sa Middle East nitong huling linggo ng Pebrero. Sa isang banda, iniutos niya sa pwersang militar ng US na bombahin ang Syria sa ngalan ng “gera kontra-terorismo.” Sa kabilang banda, tumanggi siyang parusahan ang prinsipe ng Saudi Arabia matapos isapubliko ang ulat na […]