Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Patunay ng di-makatwirang taktika sa ilalim ng di-makatarungang digma ng AFP ang panibagong kaso ng paglapastangan nito sa patay
Maliban sa panggigipit at pandarahas sa mga di-armadong aktibista at iba pang tagapagtatanggol ng mga demokratikong karapatan, modus-operandi pa ng AFP ang pagbaling nila ng armas sa mga ‘di-armado’ at ‘wala nang buhay’ na katawan ng mga rebolusyonaryo. Dagdag ito sa itinuturing na mga makakatotohanang tagumpay ng militar. Kahit pa mistulang pananagumpay sa pamamagitan ng […]
Kalatas February 2021 | Editoryal: Ikonsentra ang lakas ng mamamayan at gapiin ang terorismo ni Duterte!
Makasaysayan ang buwan ng Pebrero dahil dito ginugunita ang pag-aalsang EDSA People Power I na nagpabagsak sa diktador na si Marcos. Pinatunayan nito ang lakas at kapangyarihan ng sambayanan na hindi kayang gapiin ng anumang makabagong sandata o kamay na bakal ng estado. Nagpupunyagi sila sa harap ng pasismo at terorismong inihahasik ng estado. Hindi […]
Kalatas February 2021 | Kapit-bisig: Sama-samang paglaban ng mga magsasaka ng Hacienda Yulo
Pananakot, pambubugbog, pagpapalayas, panununog, pagbabanta sa buhay. Lahat ng ito’y dinaranas ng mga magsasaka ng Hacienda Yulo sa kanilang maigting na pakikibaka laban sa mga mangangamkam ng kanilang lupang sakahan at panirikan. Nito lamang Enero, sunud-sunod ang mga insidente ng panghaharas sa mga residente at mga lider rito. Halos araw-arawin ng mga inupahang maton ng […]
Kalatas February 2021 | Ilantad at biguin ang mapanlinlang na BDP sa TK
Ipinatutupad ngayon ng rehimeng US-Duterte ang pinakabago nitong pakanang pansaywar laban sa mamamayan. Ito ang proyektong Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). At tulad ng mga nauna nitong programang “kontra-insurhensya”, nakatakda rin itong biguin ng mamamayan. Ang pakanang BDP ay tanda ng kabiguan ni Duterte at […]
Kalatas February 2021 | Tugon ni Patnubay de Guia: Ano ang papel ng midya sa panahon ng tiranya at terorismo?
Trabaho ang dahilan kaya napadpad si Ronnie Villamor, 50, sa Barangay Matanglad, Milagros, Masbate. Si Villamor ay mamamahayag para sa lokal na tabloid na Dos Kantos Balita, at naroon siya para subaybayan ang sigalot sa lupa na kinasasangkutan ng isang Randy Favis. Naunsyami ang nakatakdang sarbey sa lupa dahil hindi pumayag si Favis. Mula sa […]