Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
13 taktikal na opensiba sa 4 na prubinsya
Sa loob ng dalawang linggo, naglunsad ng 13 aksyong militar ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa nag-ooperasyong mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga prubinsya ng Bukidnon, Surigao del Norte, Abra at Negros Oriental. Walo sa mga ito ay inilunsad sa Bukidnon. Bukidnon. Magkasabay na inatake ng mga yunit ng […]
Konsolidasyon ng baseng masa sa Cagayan Valley: Tatag sa pundasyon ng rebolusyong agraryo
Matatag ang suporta ng masang magsasaka ng Cagayan Valley sa hukbong bayan sa gitna ng mga operasyong kombat at saywar. “Talagang matitibay ang mga tao rito,” ang hindi maiwasang kongklusyon ng mga sundalong paulit-ulit nang naglunsad ng Retooled Community Support Program sa isang baryo sa rehiyon. Susi ang paglulunsad ng rebolusyong agraryo sa naging mabilis […]
Pagpupursige ng BHB sa harap ng paghaharing teror ng AFP sa Southern Tagalog
Tuluy-tuloy ang paghahasik ng teror ng 2nd ID sa Southern Tagalog (ST) pagpasok ng 2021. Hindi bababa sa 25 bayan sa limang prubinsya ang saklaw ngayon ng mga nakapokus na operasyong militar at mga operasyong Retooled Community Support Program (RCSP). Isa ang ST sa walong rehiyong prayoridad ng rehimen sa kontra-insurhensyang gera nito. Inilulunsad ang […]
Masaker sa Mendiola, ginunita
Nagmartsa tungong Mendiola sa harap ng Malacañang ang hindi bababa sa 500 aktibista noong Enero 22 bilang paggunita sa ika-34 taon ng pagmasaker ng mga pwersang pulis sa 13 nagpuprotestang magsasaka. Hanggang ngayon, wala pa ring natatamong hustisya ang kanilang mga pamilya. Sa halip, tumindi pa ang kahirapan at karahasan sa sektor. Noong 2020 lamang, […]
Dagdag-sahod, kagyat na pangangailangan ng mga manggagawa
Hindi makaagapay ang antas ng sahod ng kalakhan ng mga manggagawa sa bilis ng pagtaas ng mga presyo ng mga batayang pangangailangan. Mula pa noong nakaraang taon pumaimbulog ang presyo ng pagkain nang hanggang 77% (karne) ngayong Enero. Pinabilis nito ang tantos ng implasyon tungong 3.5% noong Disyembre, pinakamataas sa nakaraang 21 buwan. Dulot nito, […]