Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ipaglaban ang libre at ligtas na bakuna sa Covid-19
January 21, 2021

Ang lubhang nahuhuli at kakulangan ng suplay ng bakuna sa Covid-19 ang pinakahuli sa animo’y walang katapusang kapalpakan, pagpapabaya at korapsyon ng rehimeng Duterte sa pagharap nito sa pandemyang Covid-19. Halos isang buwan mula nang simulan ang malawakang pagbabakuna sa iba’t ibang panig ng mundo, wala pang isinasagawang hakbangin ang gubyernong Duterte para tiyaking mapoproteksyunan […]

Datos kaugnay sa mga bakunang planong gamitin sa Pilipinas
January 21, 2021

Noong Enero 18, tinatayang nasa 42.2 milyong dosis na ang nabakunahan sa 51 bansa. Tinatayang nasa abereyds na 2.43 milyong dosis naman ang naituturok kada araw. Aabot naman sa 8.33 bilyong dosis ang ipinareserba na ng pinakamalalaking kapitalistang bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang kinakailangan pang maghintay hanggang sa susunod na taon para mapunan […]

Protesta laban sa pagbasura sa UP-DND Accord
January 21, 2021

Higit 200 ang nagtipon sa University of the Philippines (UP)-Diliman, Quezon City noong Enero 19. Kinundena nila ang unilateral na pagwawakas ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana sa kasunduang UP-DND na nagbabawal sa pagpasok ng pulis at militar sa kampus nang walang paalam. Layunin ng maniobrang ito na pahintulutan ang militar na […]

Mga berdugong sundalo sa Abra, inambus ng BHB
January 21, 2021

Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra (Agustin Begnalen Command) ang mapang-abuso at berdugong mga sundalo ng 24th IB at 72nd Division Reconnaissance Company noong Enero 4 sa Barangay Pacgued, Malibcong, Abra. Siyam ang napaslang sa opensiba kabilang ang platun lider na si 2Lt. Zaldy D. Lapis, Jr.. Mabilis ang isinagawang sorpresang pag-atake ng yunit ng […]

Helikopter ng Solcom, inisnayp ng BHB-Mindoro
January 21, 2021

Naitaboy ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Mindoro (Lucio de Guzman Command) ang papalapag na helikopter na S70i BlackHawk ng Armed Forces of the Philippines matapos itong paputukan sa San Jose, Occidental Mindoro noong Enero 9. Palapag na sana ang naturang helikopter sa Sityo Mantay, Barangay Monte Claro para ihatid ang mga upisyal ng AFP […]