Helikopter ng Solcom, inisnayp ng BHB-Mindoro

,

Naitaboy ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Mindoro (Lucio de Guzman Command) ang papalapag na helikopter na S70i BlackHawk ng Armed Forces of the Philippines matapos itong paputukan sa San Jose, Occidental Mindoro noong Enero 9.

Palapag na sana ang naturang helikopter sa Sityo Mantay, Barangay Monte Claro para ihatid ang mga upisyal ng AFP Southern Luzon Command. Pangangasiwaan ng naturang mga upisyal, kasama si AFP Solcom Chief Lt. General Antonio Parlade, Jr. ang programa ng sapilitang pagpapasuko sa mga residente.

Napilitan sina Parlade na maglakad na lamang tungo sa susunod na baryo habang napapalibutan ng mga sundalo para makaalis sa lugar.

Samantala, isang helikopter na Huey (UH-IH) ng AFP ang bumagsak sa Sityo Nahigit, Barangay Bulonay, Impasug-ong, Bukidnon noong Enero 16. Anim na beses nagpabalik-balik ang naturang helikopter na nagsagawa ng pagmomonitor at nagdedeliber ng suplay sa nag-ooperasyong mga sundalo sa mga hangganan ng Misamis Oriental, Agusan del Sur at Bukidnon. Dahil dito, ipinag-utos ng Departmet of National Defense ang pansamantalang pagpapatigil sa paggamit ng mga Huey na helikopter.

Helikopter ng Solcom, inisnayp ng BHB-Mindoro