Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang babae sa digmang bayan
Maraming kabataang kababaihan ang di alintana ang mga sakripisyo at hamon bilang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Buong-tatag nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, bilang pantay na mga katuwang ng kalalakihang mandirigma. Kabilang sa kanila sina Paolin, Mimi at Jellyn, mga kabataang kababaihan na nagmula sa iba’t ibang saray ng lipunan, na nakahanap ng […]
Nanghahalihaw na mga sundalo, inambus
Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Camarines Norte ang nag-ooperasyong mga sundalo mula sa 902nd Brigade noong Disyembre 12 sa Sityo Manlapat, Baay, Labo, Camarines Norte. Hinalihaw nila ang lugar kahit katatapos pa lamang ng bagyo. Nasamsam sa ambus ang dalawang 9mm kalibreng pistolang Glock at walong bakpak. Dalawang sundalo ang nasugatan. Surigao del Sur. Pinaputukan […]
Pulis at militar, inutusang harapin ang kaso hinggil sa "Antique 7 massacre"
Inutusan ng Ombudsman nitong Disyembre 17 ang tatlong upisyal ng pulis ng Antique at isang upisyal ng 301st Brigade na harapin ang mga kasong kriminal at administratibo na isinampa laban sa kanila ng mga pamilya ng pitong istap ng National Democratic Front of the Philippines-Panay. Pinangunahan ng naturang mga pulis at sundalo ang pagmasaker sa […]
Bagong mga maniobra ng mga Marcos
Walang tigil ang mga maniobra ng mga Marcos para makabalik sa Malacañang. Pinakahuli rito ang paghain ng reklamong impeachment laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen noong Disyembre 7. Ibinatay ang reklamo sa hindi umano pagsusumite ni Leonen ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth. Pangalawa na ito sa mga kasong may […]
Hustisya para kay Ka Alvin Luque!
Hustisya ang panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas sa pagpaslang ng mga berdugo ng 4th ID kay Alvin Luque (Ka Joaquin Jacinto) at ng kasama niyang sibilyan noong hatinggabi ng Disyembre 10 sa Barangay San Agustin Sur, Tandag City, Surigao del Sur. Si Ka Joaquin ay dating tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF)-Mindanao. Taliwas sa […]