Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Sa madaling salita
Pasko ng kakapusan at gutom
Isa sa mga pinaka-inaabangang okasyon ng karaniwang mga Pilipino taun-taon ang Pasko. Pinakatampok na bahagi nito ang noche buena, kung saan nagtitipun-tipon ang mga kasapi ng pamilya para magsalo sa kadalasa’y espesyal na handang pagkain at magdiwang. Subalit ngayong panahon ng pandemya, maraming pamilya ang dumaraing na hindi na maipagpatuloy ang tradisyong ito dulot ng […]
Pagtataas ng kapasidad ng sistemang pangkalusugan
Pangalawa sa dalawang-artikulong serye kaugnay sa natatanging tugon ng estado at mamamayan ng Cuba sa pandemyang Covid-19. (Unang bahagi: Pag-alpas ng Cuba sa pandemya) Isa sa mga aral na nahalaw ng Cuba sa pag-apula ng pandemyang Covid-19 ang pangangailangan na itaas ang kakayahan ng sistemang pangkalusugan para saluhin ang mga pasyenteng nasa seryoso at kritikal […]
Treyning militar ng BHB sa Eastern Samar, nilunsad
Isang full-size platun ng Bagong Hukbong Bayan-Eastern Samar (Sergio Lobina Command o BHB-SLC) ang nakapagtapos ng batayang kursong pulitiko-militar nitong Oktubre. Sa loob ng 12 araw, nagawang sanayin ng BHB-SLC ang mga buong panahong Pulang mandirigma sa gitna ng matinding operasyong kombat at Retooled Community Support Program (RCSP) ng AFP-PNP sa lugar. Ayon sa apat […]
Pagsalvage ng PNP sa asset nitong si Alcanso, pakanang paninira sa Rebolusyonaryong Kilusan at panakip-krimen ng PNP at AFP
Walang kaugnayan ang rebolusyonaryong kilusan kay Jonel Alcanso, lider ng Alcanso Gun for Hire group, isang armadong grupong sindikatong hawak ng PNP Camarines Norte. Si Alcanso, kasama ang isa pang nagngangalang Joseph Piat, ay pinatay ng pinagsamang pwersa ng Regional Intelligence Unit V, Camarines Norte Provincial Intelligence Branch, PNP-SAF, PMFC at PNP Labo sa kani-kanilang […]