Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ika-157 Araw ni Bonifacio: Panagutin si Duterte, ipaglaban ang kabuhayan!
Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, nagprotesta ang mahigit 6,000 katao sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City noong Nobyembre 30. Sigaw nila ang panawagan para sa kaligtasan, trabaho at karapatan. Tinutulan nila ang nagpapatuloy na red-tagging ng rehimen at pagpapatupad ng Anti-Terror Law na ginagamit para supilin ang mga kritiko nito. Anila, ginamit […]
Mga protesta
NTF-ELCAC, buwagin! Nagprotesta ang 100 aktibista sa Quezon City noong December 4 para ipanawagan ang pagbubuwag ng NTF-ELCAC at pagbibigay ng pondo nito sa mamamayan. Hindi lamang ginagamit ang pondo nito para sa red-tagging, ginagawa rin itong palabigasan ng mga heneral at anti-komunistang propagandista ng rehimen. Sa halip, gamitin na lamang ang pondo para sa […]
Berdugong sundalo at pulis sa NEMR, inambus
Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Norte ang nag-ooperasyong yunit ng 29th IB sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte. Napaslang sa labanan si Master Sergeant Aberto samantalang namatay sa ospital ang isa pang upisyal. Nagsasagawa ng nakapokus na operasyong militar ang 29th IB sa naturang barangay simula pa Nobyembre 12. […]
Mga atake ng GRP sa mga konsultant ng NDF, walang awat
Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang walang awat na paninibasib ng rehimeng US-Duterte sa maruming gera nito laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayang Pilipino. Noong huling bahagi ng Nobyembre sunud-sunod nitong inatake ang limang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan. Labag ito sa Joint Agreement […]
Bangkay ng mandirigma, ginawang tropeyo
Nilapastangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bangkay ni Jevilyn Cullamat, mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na napaslang sa isang engkwentro sa Marihatag, Surigao del Sur noong Nobyembre 28. Ipinakalat ng mga sundalo ng 3rd Special Forces Battalion ang isang larawan sa midya at social media kung saan nakabulagta ang kanyang bangkay […]