Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Sa madaling salita
Bagong panganak na aktibista, 4 na iba pa, inaresto at inakusahang kasapi ng BHB
Dinakip ang aktibistang si Amanda Lacaba Echanis at kanyang isang buwang sanggol sa tinutuluyang bahay sa Barangay Carupian, Baggao, Cagayan noong Disyembre 2. Si Echanis ay kasapi ng Amihan at nag-oorganisa ng mga kababaihang magsasaka. Kasalukuyang nakadetine si Echanis sa Camp Adduro, Tuguegarao batay sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives. Anak siya […]
Walang matinong plano para sa pagbabakuna
Bukambibig ni Rodrigo Duterte ang paghihintay sa bakuna bilang estratehiya para makahulagpos sa pandemyang Covid-19. Panay ang hambog nito ng planong babakunahan ang 75% hanggang 80% populasyon sa Pilipinas. Gayunpaman, wala itong matinong plano ng pagbili, pag-iimbak at distribusyon para rito. Wala pa rin daw pondo ang gubyerno at inaasa nito sa pribadong sektor ang […]
Pag-alpas ng Cuba sa pandemya
Una sa dalawang-seryeng artikulo kaugnay ng natatanging tugon ng estado at mamamayan ng Cuba sa pandemyang Covid-19. (Ikalawang bahagi: Pagtataas ng kapasidad ng sistemang pangkalusugan) Susi sa tagumpay ng Cuba sa pagharap ng pandemyang Covid-19 ang pambansang sistemang pangkalusugan nito na walang bayad, para sa lahat, abot ang 100% ng populasyon, nakabatay sa primaryang pag-aalaga […]
250 milyon, nagprotesta sa India kontra neoliberalismo
Inilunsad sa iba’t ibang estado ng India noong Nobyembre 26 ang pinakamalaking naitalang pambansang welga sa kasaysayan ng mundo. Sa kabila ng mga restriksyon ng lockdown, nagwelga ang mahigit 250 milyong mamamayan sa pangunguna ng 10 unyon sa paggawa at mga organisasyong magsasaka para batikusin ang mga neoliberal na repormang ipinatupad ni Prime Minister Narendra […]