Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Papaigting ang Rebolusyon sa panahon ng "new normal"
Sa panahon ng ‘new normal, nananatiling tumpak at makatarungan ang pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan hanggang sa ganap nitong tagumpay. Sa tabing ng pandemyang CoViD-19, nakakita ang RUS-Duterte nang gintong pagkakataon upang lalong pagsamantalahan at pagkakitaan ang mamamayang Pilipino. Kumikinang ang mata, sinagpang ng hayok sa utang na presidente ang kasalukuyang krisis pangkalusugan. Sa tabing […]
Pagyurak sa karapatan ng kababaihang magsalita at magsulong ng adbokasiya, pagpapakita ng labis na kaduwagan ng AFP at ni Duterte
Napapraning at hindi na makatulog si Antonio Parlade Jr., hepe ng Southern Luzon Command at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, sa hindi magaping impluwensya ng rebolusyunaryong kilusan sa buong bansa. Patuloy siyang minumulto ng kanyang mga salitang walang laman at puro kasinungalingan laban sa rebolusyunaryong kilusan. Mainit na isyu […]
Mga kasinungalingan ng AFP at ng NTF-ELCAC, kinasusuklaman ng mamamayan ng Hilagang Quezon
Naglulubid ng kasinungalingan ang Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng kampo ng hepe ng Southern Luzon Command at kasalukuyang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. Magkakoro nilang ipinamamarali ang diumano’y tagumpay ng AFP-PNP at NTF-ELCAC sa pagwasak sa rebolusyunaryong kilusan sa […]
Suportahan ang Panawagang Imbestigasyon at Pagpapanagot sa Talamak na Pamamaslang at Paglabag sa Karapatang-Tao ng mga Militar at Pulis sa Masbate
Wasto at nararapat na suportahan ang paninindigan ng mga lokal na upisyal sa probinsya ng Masbate na imbestigahan ang dumaraming bilang ng pinapatay ng militar sa umano’y mga enkwentro nito sa mga yunit ng NPA. Ito ay matapos paslangin ng mga elemento ng Scout Platoon-2nd IBPA ang kagawad ng midya na si Ronie Villamor, tagapagbalita […]
KASAMA-CPDF binigyang-pugay si Wilfredo “Ka Hoben” Aloba, isang mahusay na guro ng masang anakpawis
Matagumpay at ligtas na nailunsad ang parangal para kay Wilfredo “Ka Hoben” Aloba sa isang lugar sa Kordilyera nitong Nobyembre 2020 sa pangunguna ng Kalipunan ng Samahan ng mga Mala-Manggagawa-Cordillera People’s Democratic Front (KASAMA-CPDF). Si Ka Hoben ang isa sa mga nagpunla ng binhi sa kilusan ng maralitang tagalunsod na kalauna’y umunlad tungo sa kilusang […]