Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Ang mga mangingisda sa panahon ng pandemya at pasistang lockdown
Bago pa ang sunud-sunod na bigwas ng mga bagyo nitong taon, hinagupit na ng pandemyang Covid-19 at palpak na tugon dito ng rehimeng Duterte ang sektor ng pangisda. Pinatindi ng krisis ng pampublikong kalusugan ang dati nang krisis sa kabuhayan ng isa sa pinakamahirap na sektor ng lipunan. Pinalala pa ang kanilang kalagayan ng lockdown, […]
Ang gera ni Duterte laban sa mga bata
Bigo ang rehimeng Duterte na pangalagaan ang kapakanan at mga karapatan ng mga bata. Sa nagdaang apat na taon, lalupang lumala ang dati na nilang kalunus-lunos na kalagayan. Isa sila sa pinakaapektado ng pandemyang Covid-19 at sa palpak na tugon ng rehimen na ligtas na buksan ang mga eskwelahan. Target sila ng hungkag na gera […]
Sa madaling salita
Magsasaka, pinaslang; 16 inaresto
Isang magsasaka ang pinaslang at 16 ang arbitraryong inaresto ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines sa nakalipas na mga linggo. Pagpaslang. Binaril at napatay ng mga elemento ng 85th IB ang lider-magniniyog na si Armando Buisan sa Barangay Santa Maria, Catanauan, Quezon noong Nobyembre 14. Si Buisan, 60, ay residente ng Sityo […]
Atake sa mga mamamahayag
Dalawang mamamahayag ang pinaslang, apat ang inaresto at isa ang ni-red-tag ng estado sa nakalipas na dalawang linggo. Pinaslang ng 2nd IB ang lokal na manunulat na si Ronnie Villamor sa Barangay Matanglad, Masbate noong Nobyembre 14. Nasa lugar siya para siyasatin ang pangangamkam ng lupa ng negosyanteng si Randy Favis. Hinarang siya sa isang […]