Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pananalasa ng terorismo ng estado sa unang hati ng 2020
July 07, 2020

Ulat sa kalagayan ng karapatang-tao (Enero-Hunyo 2020) Ang Bayan Ang ulat na ito ay halaw sa mga nakalap na balita ng Ang Bayan hinggil sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang mga armadong ahente ng reaksyunaryong rehimeng US-Duterte sa […]

Bagong lipat na mga batalyon, binigwasan
July 07, 2020

Napangibabawan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar (Sergio Lobina Command) ang atake ng bagong lipat na 78th IB sa Barangay Balingasag, Oras noong Hunyo 26. Nasamsam ng mga Pulang mandirigma mula sa mga sundalo nito ang dalawang ripleng R4 sa engkwentro. Kinukumpirma pa ang ulat na di bababa sa 10 sundalo ang napatay sa labanan. […]

Asahan ang mas masahol na brutalidad ng 901st IBde sa Caraga
July 07, 2020

Ibayong karahasan at paglabag sa karapatang-tao ang daranasin ng mga Caraganon sa paglipat ng berdugong 901st IBde, na pinamumunuan ni Brig. Gen. Gabriel Viray, sa ilalim ng 4th ID. Inianunsyo ng militar ang pagdeploy sa brigada noong Hunyo 16, alinsunod sa target ni Duterte na “tapusin” ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa taong 2022. Nakatakdang […]

IATF, palpak sa pagsugpo sa Covid-19
July 07, 2020

Malayo pa ang Pilipinas sa pagsugpo sa pandemyang Covid-19 matapos ang halos apat na buwan sa ilalim ng Bayanihan To Heal as One o Bayanihan Act. Tumataas pa rin ang bilang ng mga nagpopositibo sa bayrus. Noong Hulyo 6, mahigit 46,000 na ang may sakit na Covid-19 sa bansa. Hindi pa kasali rito ang sinasabing […]

Kasaysayan ng pagkaalipin ng mga Itim
July 07, 2020

Mahigit isang buwan nang tuluy-tuloy ang malalaking protesta ng kilusang Black Lives Matter sa iba’t ibang bahagi ng US. Isinusulong nito hindi lamang ang mga karapatan at kagalingan ng mga Itim sa kasalukuyan kundi pati ang pagwawasto sa siglo-siglong pang-aapi at pagsasamantala sa kanila sa US. Unang dumating sa hilagang bahagi ng kontinenteng America ang […]