Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Kumperensya sa edukasyon, inilunsad sa Negros
May 21, 2020

Tatlumpung kadre sa edukasyon mula sa mga larangang gerilya, organong istap at lihim na organisasyong masa ang dumalo sa unang panrehiyong kumperensya sa edukasyon ng Negros. Nagtipon sila noong unang kwarto ng taon sa isang larangang gerilya. Inalam at tinasa sa kumperensya ang mga karanasan sa pagpapatupad ng programa sa edukasyong pampartido noong nagdaang mga […]

P2.4-B mga artileri, bibilhin sa gitna ng krisis
May 21, 2020

Nagpabatid noong Mayo 12 ang rehimeng Duterte na bibili ito ng dalawang sistema ng artileri na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon mula sa kumpanyang Israeli na Elbit Systems sa kabila ng patuloy na pananalasa ng krisis ng Covid-19 sa kabuhayan ng mamamayan. Laman ng kontrata ang pagbili sa dalawang ATMOS 2000 155mm/52 Caliber Self-propelled Howitzer System, […]

Meralco, pinaiimbestigahan ng Bayan Muna
May 21, 2020

Pinaiimbestigahan ng Bayan Muna ang Manila Electric Company (Meralco) matapos lumaganap ang mga reklamo ng mga residente sa Metro Manila sa sobrang laki ng kanilang mga bayarin para sa nakaraang dalawang buwan. Dahil suspendido ang pagbasa sa mga metro ng kuryente mula pa Marso, ibinatay ng Meralco ang singil nito sa abereyds na konsumo ng […]

5 magsasaka sa Sorsogon, minasaker ng 31st IB, 9th SAF
May 21, 2020

Limang magsasaka ang minasaker ng mga sundalo at pulis sa estilong SEMPO (Synchronized Enhanced Management of Police Operations) sa Barangay Dolos, Bulan, Sorsogon noong Mayo 8. Ang mga biktima ay sina Jeric Vuno, Jerry Palanca, Robert Villafuerte, Raymundo Tañada at Jaime Tañada. Si Jaime Tañada ay may edad na habang si Villafuerte ay may sakit […]

Pang-aagaw ng lupa, nasa ubod ng Balik Probinsya
May 21, 2020

Pang-aagaw ng lupa sa kalunsuran at kanayunan ang nasa ubod ng programang Balik Probinsya ng rehimeng Duterte. Inilalako ni Rodrigo Duterte at kanyang alipures na si Christopher Go ang programa bilang solusyon sa pagsisiksikan sa Metro Manila sa panahong nananalasa ang pandemyang Covid-19. Pero hindi bago o orihinal ang programang ito. Bawat gubyerno mula kay […]