Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

ABS-CBN, tuluyan nang ipinasara
May 07, 2020

Iniutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsasara ng lahat ng programa ng kumpanyang ABS-CBN sa radyo at telebisyon matapos mawalan ng bisa ang prangkisa nito noong Mayo 5. Ang pagpapasarang ito ay pangalawa na sa kasaysayan ng istasyon. Ang una ay noong Setyembre 1972 sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos. Nagulat ang […]

Protesta sa Mayo Uno
May 07, 2020

Hindi napigilan ng pasismo ni Rodrido Duterte ang pagkakaisa at protesta ng mga manggagawa at ibang sektor sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pangangalampag sa rehimeng Duterte sa mga kagyat na kahingian ng mga manggagawa sa harap ng krisis pangkalusugan. Nagkaisa sila sa temang “Kalusugan, Kabuhayan, Karapatan, Ipaglaban!” Tumayong […]

76 aktibista, boluntir, inaresto sa Araw ng Paggawa
May 07, 2020

Magkakasunod na inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang 76 na aktibista at boluntir sa Metro Manila, Rizal at Iloilo kasabay ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo 1. Kabilang sa kanila ang sampung boluntir na nagkakawanggawa at namimigay ng libreng pagkain sa mga maralitang residente sa Marikina City. Iniutos ni Marikina City […]

Luyo-luyo sa produksyon ng pagkain
May 07, 2020

Sa tantya ni Tatay Lery, magtatagal lamang ng tatlong linggo ang ipinagiling na palay na naging parte niya sa pakiki-ani sa kabilang baryo. Ito na ang huling imbak na bigas ng pamilya. Kung dati’y nakapagpapadala ng pambili ng bigas ang kanyang anak na namamasukan sa Maynila, ngayon ay wala na itong naiaabot dahil nawalan ng […]

Unilateral na tigil-putukan, tinapos na ng PKP-BHB
May 07, 2020

Nitong Abril 30, nagpahayag ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na hindi na palalawigin ang unilateral na tigil-putukan nito. “Dahil malala at patuloy pang lumalala ang epidemyang Covid-19, patuloy na bibigyan ng pinakamataas na prayoridad ng PKP at Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang paglaban sa epidemyang Covid-19 sa kabila ng utos ni Duterte at AFP […]