Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
#SolidarityAmidCovid, panawagan sa ika-36 taon ng Cordillera Day
Pinangunahan ng Cordillera Peoples’ Alliance (CPA) ang pamamahagi ng ayuda at personal protective equipment (PPE) sa mahihirap na komunidad at manggagawang pangkalusugan noong Abril 24. Bahagi ito ng paggunita ng mamamayang Igorot sa ika-36 na Cordillera Day. Para sa CPA, ang kahulugan at pagsasabuhay ng Cordillera Day ay sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pagkakaisa ng […]
Misengkwentro ng 88th IB sa Bukidnon
Naglulubid ng kasinungalingan ang 88th IB nang sabihin nitong isang lehitimong engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga sundalo nito at Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Sityo Mahayhay, Barangay Lipa, Quezon, Bukidnon noong Abril 28 ng umaga. Batay sa ulat ng BHB-Bukidnon, nagkaroon ng misengkwentro sa pagitan ng Bravo Company at yunit paniktik ng 88th […]
Duterte, pinabubuksan ang mga POGO
Pilit na binibigyang katwiran ng rehimeng Duterte ang muling pagbubukas ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), mga online na pasugalang pinatatakbo ng mga Chinese, sa kabila ng lockdown nito na nagbabawal sa operasyon ng mga empresang “hindi esensyal” sa pagharap sa pandemyang Covid-19. Ang mga POGO ay tumutukoy sa mga pasugalang nagbibigay ng ekslusibong […]
Operasyon ng mga minahan sa Mindanao, tuloy sa gitna ng pandemya
Nagpapatuloy ang mga operasyon sa pagmimina ng TVI Resource Development (Phils) Inc. (TVIRD) at Agata Mining Ventures Inc. (AMVI) noong Abril sa mga prubinsya ng Zamboanga del Sur at Agusan del Norte sa kabila ng pandemyang Covid-19 at ipinatupad na lockdown. Hindi tumigil ang pagtatayo ng mga gusali at pagpupwesto ng karagdagang makinarya para sa […]
Pag-angkin ng China sa Kalayaan at Panatag, tinutulan
Mahigpit na tinutulan ng mamamayang Pilipino ang muling pag-angkin ng China noong Abril 18 sa dalawang teritoryo ng Pilipinas: ang Kalayaan Group of Islands (internasyunal na pangalan: Spratly Islands) at Panatag Shoal (internasyunal na pangalan: Scarborough Shoal.) Ang Kalayaan Group of Islands, na itinuturing na munisipyo ng Palawan, ay pinangalanan bilang distrito ng Nansha. Ang […]