Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Trapik sa Pilipinas,ikalawang pinakamatindi sa mundo
PUMANGALAWA ANG METRO Manila sa listahan ng mga lunsod sa buong mundo na may pinakamasahol na problema sa trapik. Ito ay ayon sa Traffic Index 2019, isang ulat na inilabas noong nakaraang buwan ng kumpanyang German na TomTom. Ang nasabing ulat ay tumatalakay sa sidhi ng problema sa trapik sa 416 na mayor na mga […]
Paglaban ng mga manggagawa ng Nissen Electronics
Isang kumpanyang Japanese ang Nissen Electronics Philippines na gumagawa ng fuse para sa mga sasakyan. Nagsusuplay ito sa mga kumpanya tulad ng Toyota, Nissan, Ford at Isuzu. Ito ay lokal na subsidyaryo ng multinasyunal na Nippon Seisen Cable, Ltd na nakapagtala ng kabuuang benta na 10 bilyong yen (P4.6 bilyon) noong Marso 2018. Nagsimula ang […]
FMO sa Southern Tagalog
Pinaslang ng mga sundalo ng berdugong 4th IB ang mga sibilyan na sina Mark Ederson Valencia Delos Santos at Jay-ar Mercado sa Barangay Happy Valley, Socorro, Oriental Mindoro noong Enero 31. Si Mercado ay boluntir na organisador ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Southern Tagalog na dinukot ng militar noong Enero 26. Inilibing […]
JIPCO: Kapayapaan para sa mga kapitalista
BINATIKOS NG MGA grupo ng mangggagawa ang PNP matapos nitong i-anunsyo ang pagtatayo ng mga Joint Industrial Peace and Concern Office (JIPCO) sa mga sonang pang-ekonomya sa Central Luzon noong Enero 22. Ayon sa Center for Trade Union and Human Rights, ililigalisa lamang nito ang malawakang paglabag sa karapatang tao sa mga sonang pang-ekonomya. Pinagtibay […]
Hustisya para kay Randy Malayao
HUSTISYA ANG PANAWAGAN ng mga aktibista at kaanak ng konsultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Randy Felix Malayao, isang taon matapos siyang paslangin. Nagprotesta sila noong Enero 30 sa harap ng Camp Melchor dela Cruz ng 5th ID sa Gamu, Isabela. Marahas na binuwag ng mga pwersa ng militar ang protesta. […]