Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mga balita
April 07, 2019

KONTRA-PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS. Sa Valenzuela City, nagprotesta ang mga residente, sa pangunguna ng Defend Job Philippines, sa tapat ng gasolinahan ng Shell sa General T. De Leon noong Marso 19. Binatikos ng grupo ang malakihang pagtaas ng presyo ng langis na lalo pang nagpapahirap sa bayan. Tuluy-tuloy na tumaas ang presyo ng mga […]

Mga residente ng Marawi, nagrali laban sa TFBM
April 07, 2019

NAGMARTSA ANG HALOS isanlibong residente ng Marawi City noong Marso 20 para kundenahin ang halos dalawang taon nang naantalang rehabilitasyon ng syudad. Isinabay nila ang martsa sa pagdinig ng Kongreso at Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa Provincial Capitol Gymnasium sa loob ng syudad. Tinuligsa nila ang kawalang aksyon ng TFBM at nanawagang patalsikin si […]

LABAN SA MGA CYBER-ATTACK.
April 07, 2019

Nagpiket ang iba’t ibang grupo ng alternatibong midya, mga aktibista para sa digital rights at kanilang mga tagasuporta sa harapan ng Department of Information and Communications Technology noong Marso 12 kasabay ng paggunita sa World Day vs Cybercensorship. Kinundena ng mga grupo ang kawalang aksyon ng ahensya sa pagtugon sa pang-aatake sa kanilang mga website. […]

Mandatory ROTC, tinutulan
April 07, 2019

SUNUD-SUNOD NA PROTESTA ang inilunsad ng mga progresibong organisasyong kabataan matapos ibalita ang brutal na pagpatay kay Willie Amihoy, isang kadete ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) sa Iloilo State College of Fisheries. Pinatay si Amihoy ng kanyang kumander sa ROTC na si Elmer Decilao noong Marso 10 matapos siyang pagbintangan ng huli na nagtago […]

Presyo ng palay, sibuyas at kopra, itaas!
April 07, 2019

TULUY-TULOY ANG PAGBAGSAK ng presyo ng palay, sibuyas at iba pang lokal na produktong agrikultural sa unang kwarto ng 2019. Ito ay dulot ng walang sagkang pag-aangkat ng naturang mga produkto sa ilalim ng liberalisadong kalakalan. Mula sa humigit-kumulang P20/kilo noong nagdaang taon, nasa P14/kilo na lamang ang presyo ng lokal na palay noong Marso. […]