Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Presensyang militar ng US sa Pilipinas, lumalawak
April 07, 2019

PALAKI NANG PALAKI ang presensya ng mga tropang Amerikano at mga operasyong militar nito sa Pilipinas. Inilulusot ang kanilang presensya sa pinagsanib na mga pagsasanay-militar, pagdaong ng mga barkong pandigma at iba pang “pagbisita” at aktibidad. Noong Marso, hindi bababa sa 9,000 tropang Amerikano ang nasa kalupaan ng bansa sa isang panahon. Mula Abril 1 […]

Perwisyong hatid ng pribadong serbisyong patubig sa Metro Manila
April 07, 2019

Sa loob ng halos dalawang linggo noong nakaraang buwan, nagdusa ang higit kalahating milyong residente sa Metro Manila sa anim hanggang 18 oras ng serbisyo ng tubig kada araw. Bagamat unti-unti itong naging regular, magiging limitado pa rin ito sa susunod na mga buwan. Perwisyo ang dinaranas ng mamamayan sa ilalim ng mga ganid na […]

Atake sa mga upisina at misyon
April 07, 2019

TINANGKANG PASUKIN ng 20 sundalo ang upisina ng BAYAN-North Mindanao Region sa Camaman-an, Cagayan de Oro City noong Marso 20 para arestuhin diumano ang isang nagngangalang “Albert.” Nang harangin sila, magdamag na pinalibutan ng mga sundalo ang upisina at pinagbawalang lumabas sa bahay ang mga nakatira roon. Sa araw ding iyon, pinasok at niransak ang […]

Unyonista, iligal na inaresto
April 07, 2019

ILIGAL NA INARESTO ng mga pulis si Eugene Garcia, tagapangulo ng unyon sa Pioneer Flat Glass Manufacturing, sa Pasig City noong Marso 20 sa gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms. Hinalughog ang kanyang bahay gamit ang isang search warrant at pinalabas na mayroon siyang kalibre .45 pistola. Noong 2016, iligal na sinisante ng kumpanya […]

300 pamilya, nagbakwit sa Samar
April 07, 2019

LUMIKAS ANG 300 pamilya o 1,409 indibidwal mula sa Hagbay, Can-aponte, San Nicolas at San Pedro sa bayan ng San Jose de Buan, Samar mula Marso 17-25 dahil sa halos tatlong buwan nang paglulunsad ng operasyong militar ng 87th IB sa kanilang mga komunidad. Kabilang sa mga nagbakwit ang 424 bata, 66 na matatanda at […]