Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Kababaihan kontra sa "endo" ng SM
November 21, 2018

Pinangunahan ng Gabriela at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan ang isang piket sa harapan ng SM Manila noong Nobyembre 16 para kundenahin ang laganap na implementasyon ng “endo” (end-of-contract) sa naturang kumpanya. Isusulong ng grupo ang pagpapa-imbestiga sa pag-iral ng sistemang konsaynment na ipinatu­tupad ng SM Retail Inc. Sa ga­nitong sistema, ang mga konsay­nor ang sumasagot […]

Konsultant ng NDFP at 2 iba pa, iligal na inaresto
November 21, 2018

Iligan na inaresto ng militar at pulis ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Vicente Ladlad at ang mag-asawang Alberto at Virginia Villamor noong hatinggabi ng Nobyembre 8 sa Doña Tomasa, San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Tinamnan ng mga ripleng AK-47, granada at subersibong dokumento ang bahay ng mga biktima […]

Pasistang panggigiipit at pananalakay, umiigting sa Cebu
November 21, 2018

Walang-habas ang mga pasistang atake ng rehimeng US-Duterte laban sa mga progresibong pwersa sa Cebu. Sa loob lamang ng apat na araw, naiulat ang marahas na pagbuwag sa isang kampuhan at pag-aresto sa mga manggagawang nagtayo nito, ang pambabastos sa isang babaeng paraligal, ang pagdemolis sa kabahayan ng mahigit 550 pamilya at ang malisyosong pagpaparatang […]

AFP, naghahasik ng teror at disimpormasyon sa Negros
November 21, 2018

Matapos ang brutal na masaker sa Sagay, target naman ngayon ng 303rd IBde ng Armed Forces of the Philippines na maghasik ng teror sa mga komunidad ng Escalante City kung saan aktibong kumikilos at nakikibaka ang mga magsasaka para sa karapatan sa lupa. Sinalakay ng mahigit 100 sundalo at paramilitar ang Sityo Puting Bato at […]

May kinikilingan ang malalaking kumpanya ng midya
November 21, 2018

Noong Oktubre, muling idineklara ng Committee to Protect Journalists, isang internasyunal na organisasyon, ang Pi­li­pi­nas bilang pangatlo sa pi­na­ka­ma­du­gong ban­sa pa­ra sa mga ma­ma­ma­ha­yag. Mula pa 2010, pangatlo ang bansa sa naturang listahan. Ma­la­king bi­lang sa mga biktima ay mga myembro ng mga re­hi­yu­nal o pru­bin­syal na mas­mid­ya na pi­nas­lang du­lot ng ka­ni­lang pag­ba­ba­li­ta ng […]