Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Hinggil sa Fake list ng target parusahan ng NPA
September 09, 2018 |

Mariing kinokondena ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army ang kasinungalingan, panlilinlang, at teror na inihahasik ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga sibilyan. Nitong ika-29 ng Agosto, nagpakalat ng mga polyeto sa San Narciso, Quezon na naglalaman ng mga pangalan na target diumano ng pamamarusa ng NPA. Sa […]

Buong-sikhay na biguin ang brutal na Oplan Kapayapaan
September 07, 2018

Noong 2017, buong pagmamayabang na idineklara ni Rodrigo Duterte at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na lubos nilang gagapiin ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa 2018 sa ilalim ng Oplan Kapayapaan. Mas ambisyoso ito kumpara sa lubos na nabigong deklarasyong “ipawawalang-saysay ang BHB” sa ilalim ng Oplan Bayanihan (2011-2016) ng nagdaang rehimeng Aquino. […]

Ang Bayan | September 7, 2018
September 07, 2018

Download the issue here Pilipino: PDF | EPUB Bisaya: PDF Hiligaynon: PDF English: PDF Iloco: PDF  

Mga si­bil­yan, mi­na­sa­ker ng mga pa­sis­tang tro­pa ng India
September 07, 2018

La­bin­li­mang si­bil­yan ang mi­na­sa­ker ng mga pu­lis ng India noong Agos­to 6 sa bar­yo ng Nul­ka­tong sa ba­yan ng Suk­ma, Chat­tis­garh. Pa­ra pag­tak­pan ang kri­men, pi­na­la­bas ng mga pu­lis na ar­ma­do at mga ka­sa­pi ng milis­yang ba­yan ng Com­mu­nist Party of India (CPI)-Maoist ang na­tu­rang mga si­bil­yan. Pi­na­bu­laa­nan ito ng mga ka­mag-a­nak at kababaryo ng […]

Bagong-buong batalyon, binigwasan ng BHB-Isabela
September 07, 2018

Binigwasan ng Bagong Hukbong Bayan-Central Isabela (Reynaldo Piñon Command o RPC) ang 95th IB, isa sa mga bagong buong batalyon ng AFP, na nasa ilalim ng 5th ID. Umabot sa 12 ang napatay at tatlo ang nasugatan nang ambusin ng mga Pulang mandirigma isang platun ng 95th IB sa Barangay Sindon Bayabo, Ilagan City noong […]