Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Aksyong militar ng NPA sa Timog Katagalugan, pagtatanggol sa kalikasan at mamamayan
Pinapaabot ng Melito Glor Command – NPA Southern Tagalog ang pinakamataas na pulang saludo sa mga yunit ng Narciso Antazo-Aramil Command – NPA Rizal, Bienvenido Vallever Command – NPA Palawan at Apolonio Mendoza Command sa kanilang matagumpay na aksyong militar upang ipagtanggol ang mamamayan sa pandarahas at pagsasamantala ng rehimeng US-Duterte. Pinarusahan ng NAAC – […]
7 sumukong NPA sa Occidental Mindoro, malaking kasinungalingan
Isang napakalaking kasinungalingan ang ipinagkakalat ni Col. Danilo Benavidez, public information ng Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command (Solcom), na may sumukong 7 diumanong miyembro ng New People’s Army sa Occidental Mindoro. Ayon sa ulat, sumuko ang mga pinalabas na rebel returnees na sina Brandon, Noli, Jose, Boy at Joel Barera, Andeg Carias […]
Hinggil sa Pakulong Lokalisadong Usapan
Matatag na naninindigan ang buong rebolusyonaryong hanay at mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Tomas Pilapil Command na hindi katanggap-tanggap ang inilalakong “localized peace talks” ng rehimeng US-Duterte. Malinaw na ito ay isang mapanlinlang na pakana ng rehimeng US-Duterte, isang mapanghating paraan para pahinain ang pagkakaisa at lakas ng rebolusyonaryong kilusan. Buo […]
Kumpanyang Sumisira sa Kalikasan na Kalapit ng Metro Manila, Pinarusahan ng NPA-Rizal!
Pinarusahan ng New Peoples Army-Rizal ang kumpanyang MONTE ROCK CORPORATION sa Barangay Guitnang Bayan 2, San Mateo, Rizal kahapon, Agosto 12, 2018 sa ganap na 4:30 ng hapon hanggang 6:29 ng gabi. Halos dalawang oras na hinalughog ng mga operatiba ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) ang kumpanya. Ang nasabing kumpanya ay kagyat na kadikit […]
Amadeo Grayda, hindi kasapi ng NPA-Sorsogon
Pinabubulaanan ng Celso Minguez Command (CMC) ang alegasyon ng 31st IBPA na isa diumanong NPA ang nahuli nilang si G. Amadeo “Onyo” Grayda o alyas Ka Rigor isang residente ng Catanusan, Juban, Sorsogon. Ang nasabing tao ay isang sibilyan na matagal nang umalis sa Celso Minguez – BHB Sorsogon at wala nang kinalaman sa organisasyon. […]