Pahayag

Amadeo Grayda, hindi kasapi ng NPA-Sorsogon

Pinabubulaanan ng Celso Minguez Command (CMC) ang alegasyon ng 31st IBPA na isa diumanong NPA ang nahuli nilang si G. Amadeo “Onyo” Grayda o alyas Ka Rigor isang residente ng Catanusan, Juban, Sorsogon. Ang nasabing tao ay isang sibilyan na matagal nang umalis sa Celso Minguez – BHB Sorsogon at wala nang kinalaman sa organisasyon.

Ito ay sa gitna ng paghahabol ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa lahat ng mga yunit nito tulad ng 31st IBPA para sa kanilang target na kalahatiin di umano ang bilang ng NPA sa buong bansa kabilang na ang Sorsogon. Sa kanilang pagkadesperado, lahat ay gagawin nila mula sa mga operasyong militar at mula sa mga sumuko at mga pinalalabas nilang mga pasuko nila na diumanoy’ aktibong rebelde na mga sibilyan.

Si Grayda ay naging kasapi ng NPA at nahuli noong taong 2009, paglaya niya matapos ang isang taon at dalawang buwan ay hindi na ito bumalik sa NPA. Namuhay na sya bilang isang ordinaryong magsasasaka kaya malaking kasinungalingan ang sinasabi ng AFP na ito ay isang aktibong kasapi ng NPA. Napakahusay ng AFP na gumawa ng mga kwento upang bigyan katwiran ang target nitong kalahatiin ang bilang ng NPA sa buong bansa.

Nakasisiguro ang CMC na dadami pa ang ganitong kaso sa hanay ng mga sibilyan para lamang sa target ng AFP na tiyak din namang mabibigo.

Ganoon pa man, lagi’t-laging ang katotoohanan ang mananaig dahil hindi magpapaloko ang mamamayang Sorsoganon sa ganitong mga gawa-gawang kwento ng 31st IBPA. Kahit anu pa man ang gawin ng mga berdugong elemento na ito ng gubyerno ay hindi sila magtatagumpay sa layunin nilang pulbusin ang mga rebolusyonaryong patuloy na nagsisilbi sa mamamayan.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Amadeo Grayda, hindi kasapi ng NPA-Sorsogon