Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Kabataan sa Northern Samar, pinaslang ng 20th IB
Nanindigan ang mga residente ng Barangay Sulitan, Catubig, Northern Samar na isang sibilyan si Jerick Jugal, isa sa mga pinalalabas ng 20th IB na napatay nito sa serye ng armadong engkwentro sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa bayan ng Catubig noong Nobyembre 5. Nanawagan sila ng imbestigasyon at hustisya sa pagpaslang sa biktima. Ayon sa […]
Panggagahasa ng mga elemento ng 16th IB sa 3 kababaihan sa Camarines Norte, kinundena
Mariing kinundena ng Bagong Hukbong Bayan-Camarines Norte (Armando Catapia Command) ang panggagahasa ng mga sundalo ng 16th IB sa di bababa sa tatlong kababaihan sa prubinsya noong nakaraang mga buwan. Isa sa mga biktima ang 21-anyos na babae na taga-Barangay Bagong Silang 3. Alinsunod sa kanyang salaysay, inabutan siya ng tatlong elemento ng 16th IB […]
9 na bilanggong pulitikal sa Negros, ipinawalang-sala
Ipinawalang-sala ng mga korte sa Negros Occidental ang siyam na aktibista na inaresto ng mga pwersa ng estado noong 2019 at 2022 sa mga kasong kriminal. Inatasan ng korte ang mga pulis na palayain na ang mga biktima mula sa ilang taong pagkakakulong. Noong Nobyembre 18, ibinasura ang kasong pagpatay at bigong pagpatay laban kina […]
Masidhing galit ng bayan kay Duterte
Kung pwede lamang, sinabutan na ng kamag-anak ng mga biktima ng huwad na gera kontra-droga si Rodrigo Duterte noong humarap siya sa pagdinig sa Kongreso. Nagngitngit sa galit ang mga pamilya sa kanyang kaswal na pagtatanggol sa mga pamamaslang, paggigiit na lahat ng mga biktima ng huwad na gera ay mga “kriminal” at tahasang kawalang […]
Pinakamataas na Pulang Pagpupugay kay Kasamang Josephine “Sandy” Mendoza sa Unang Anibersaryo ng Kaniyang Pagpanaw
Taas kamaong tumitindig ang Kabataang Makabayan upang pagpugayan ang rebolusyunaryong legasiya ng diwa at kadakilaan na iniwan ni Kasamang Sandy sa kaniyang pagpanaw noong nakaraang taon, Nobyembre 10, 2023. Malaki at makahulugan ang ginampanang tungkulin ni Ka Sandy sa pagtataguyod ng bagong demokratikong rebolusyunaryong kilusan, partikular na sa rehiyon ng Timog Katagalugan. Bago ang kaniyang […]