Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ika-52 anibersaryo ng batas militar, ginunita sa koordinadong mga protesta
October 07, 2024

Sa pangunguna ng mga pambansa-demokratikong organisasyon at iba pang progresibo, ginunita ng iba’t ibang mga sektor ang ika-52 anibersaryo ng pagpataw ni Ferdinand Marcos Sr ng batas militar sa mga protesta sa loob at labas ng bansa. Pinamunuan ang mga pagkilos ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). “Ginugunita natin ngayong taon ang anibersaryo ng deklarasyon ni […]

Atake sa mga magsasaka sa Masbate, Palawan at iba pa, lumalala
October 07, 2024

Patuloy na tumitindi ang teroristang kampanya ng panunupil ng rehimeng US-Marcos at kasabwat na mga panginoong maylupa laban sa masang magsasaka sa kanayunan. Sa nagdaang mga linggo, naitala ang kaso ng pagpatay sa mga magsasaka sa Masbate, pag-aresto sa Palawan, at pangangamkam ng lupa at pagpapalayas sa Bataan, Cavite, Laguna, Cebu, at Iloilo. Pagpaslang. Dalawang […]

Unyon sa Nexperia, tagumpay sa paggiit ng mga hinaing
October 07, 2024

Naitulak ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union-National Federation of Labor Unions-Kilusang Mayo Uno ang maneydsment ng Nexperia Philippines na galangin ang unyon at karapatan ng mga manggagawa sa katiyakan sa trabaho. Sa isang kasunduang naabot noong Setyembre 18, nangako ang kumpanya na ibabalik ang mga tinanggal, palalawigin ang mga benepisyo at palalakihin ang separation pay […]

Mga protesta
October 07, 2024

  Impeach Sara, ipinanawagan. Nagpiket sa harap ng Kongreso noong Setyembre 23 ang mga grupong pambansa-demokratiko para ipanawagan ang pagtatanggal kay Sara Duterte bilang bise presidente. Ayon sa Bayan, karapat-dapat nang patalsikin si Duterte dulot ng maanomalya niyang paggastos sa confidential at intelligence funds na iginawad sa kanyang upisina noong nakaraang mga taon. Anito, maituturing […]

RCSP ng AFP, pahirap sa mamamayan sa Masbate at Mindoro
October 07, 2024

Mula Luzon hanggang Mindanao, patuloy na nananalasa sa kanayunan ang Retooled Community Support Program (RCSP) ng mga yunit ng Armed Forces of the Philippines. Ang programang ito ay nakapailalim sa Development Support and Security Plan ng “Oplan Kapayapaan” na programa pa rehimeng Duterte na ipinagpapatuloy ni Ferdinand Marcos Jr. Ang RCSP, sa esensya, ay ang […]