Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
(Video) Makiisa sa walang-tinag na pakikibaka ng mamamayang Palestino
Download
Walang-maliw na pakikibaka para palayain ang Palestine
Isang taon mula ilunsad ng Zionistang Israel, sa suporta ng imperyalistang US, ang pinatinding kampanya ng henosidyo laban sa mga Palestino sa Gaza Strip, Palestine, patuloy ang magiting na paglaban ng iba’t ibang mga organisasyon ng mga Palestino para biguin ang pananalakay at tuluyang palayain ang kanilang bansa. Armas ng mga Palestino ang armadong pakikibaka, […]
Koalisyong Makabayan, babangga sa mga dinastiya at trapo sa eleksyong 2025
Pormal na inianunsyo ng Koalisyong Makabayan sa pambansang kumbensyon nito sa San Andres Sports Complex sa Maynila noong Setyembre 28 ang kanilang plataporma, mga kandidato pagkasenador at mga nominado ng mga partidong tatakbo sa eleksyong party-list. Halos napuno ng higit 3,000 mga tagasuporta at kasapi ng koalisyon ang benyu. Sa talumpati ni Ka Paeng Mariano, […]
Irigasyon at kumpensasyon, panawagan ng mga magsasaka
Mula Ilocos hanggang Bicol, pareho ang hinaing ng mga magsasaka sa kainutilan at kapabayaan ng rehimeng Marcos sa harap ng malawakang pinsala sa agrikultura na dulot ng magkasunod na mga sakunang humambalos sa bansa. Nakipagdayalogo ang mga magsasaka mula sa Malolos City, Plaridel at Calumpit, lahat sa Bulacan, sa National Irrigation Administration noong Setyembre 26, […]
Isnayp, kontra-atake, inilunsad ng BHB-Western Samar
Sa harap ng pinatinding operasyong kombat at pandudumog ng mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga barangay sa Samar, nakapaglunsad ng isnayp at mga kontra-atake ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command). Noong Setyembre 16, inisnayp ng BHB ang nagkakampo na mga elemento ng 87th IB sa Barangay Canvais, […]